Skip to main content

Welcome

Ipinapaliwanag ng privacy notice (“notice”) na ito ang mga uri ng personal na data na kinokolekta namin at kung paano namin ito ginagamit at ibinabahagi. Sinasabi rin nito sa iyo ang tungkol sa mga karapatan mo at ang mga opsyon mo sa kung paano namin pinoproseso ang iyong personal na data.

Nag-aalok ang Wise ng mga serbisyo sa pagpapadala ng pera, isang Wise account at, sa ilang rehiyon, mga serbisyo sa mga asset (aming "mga serbisyo").

Nalalapat ang notice na ito sa lahat ng serbisyong ibinibigay ng Wise group of companies sa aming mga customer na may personal account sa buong mundo.

Kung nalalapat lang ang anumang nasa notice na ito sa isa sa mga serbisyo namin o sa mga customer sa isang partikular na bansa, iha-highlight namin ito nang malinaw. May makikita ka ring mga probisyong partikular sa bansa sa mga appendix sa ibaba. Para sa mga user sa US, nalalapat ang aming Privacy Notice ng Consumer sa US.


1. Data Controller

2. Personal na Data na kinokolekta namin tungkol sa iyo

3. Mga paraan kung paano namin ginagamit ang impormasyon mo

4. Paano namin ibinabahagi ang iyong personal na data

5. Mga Pandaigdigang Data Transfer

6. Profiling at automated na pagpapasiya

7. Cookies

8. Pagpapanatili ng Data

9. Kung paano namin pinoprotektahan ang iyong personal na data

10. Ang mga karapatan mo

11. Mga pagbabago sa aming Patakaran sa Privacy

12. Contact

Mga probisyong partikular sa bansa

Appendix 1 EEA (European Economic Area) - pagbubunyag ng personal na data mo

Appendix 2 Mga residente ng California - mga karapatan mo

Appendix 3 India - Data na kinokolekta namin tungkol sa iyo at mga paraan ng paggamit namin sa impormasyon mo

Appendix 4 Japan - Kung kanino namin ibinubunyag ang personal na data mo

Appendix 5 Mga partikular na probisyon ng anti-fraud agency ng UK


1. Data controller

Sa notice na ito, tumutukoy ang “namin,” “aming” o “kami” sa Wise group company na nagbibigay sa iyo ng produkto o serbisyo at ang responsable para sa pag-handle ng iyong personal na data (kilala bilang ”data controller”).

Nakalista rito ang mga serbisyong ibinibigay ng iba't ibang kumpanya ng Wise.

2. Personal na Data na kinokolekta namin tungkol sa iyo

Ang personal na data, o personal na impormasyon, ay nangangahulugang anumang impormasyon tungkol sa natukoy o natutukoy na indibidwal. Puwedeng kasama rito ang data na ibinigay mo sa amin (tulad ng iyong pangalan, address o mga contact detail) at data na kinokolekta namin tungkol sa iyo habang ginagamit mo ang mga serbisyo namin (tulad ng impormasyon ng device, IP address, atbp.). Hindi kasama rito ang anonymous na data, na hindi puwedeng i-link sa isang indibidwal.

Kokolektahin at ipoproseso namin ang personal na data tungkol sa iyo sa mga sumusunod na paraan:

2.1 Impormasyong ibinibigay mo sa amin

Ang hawak naming impormasyon tungkol sa iyo ay madalas na ang impormasyong ibinigay mo sa amin nang direkta. Halimbawa, noong nag-sign up ka para sa isang serbisyo ng Wise o nakibahagi sa mga online na diskusyon o promosyon, nagbigay ka ng partikular na data na kailangan para sa iyong karanasan. Kasama rito ang:

  • Mga contact detail: ang iyong pangalan, email address, postal address, at numero ng telepono;

  • Mga personal na detalye: petsa ng kapanganakan, passport number o iba pang anyo ng impormasyon para sa pagkakakilanlan kabilang ang national identification number (tulad ng iyong CFP sa Brazil o MyNumber sa Japan), tax residency, tax reference number, katibayan ng address, at katibayan ng residency;

  • Pinansyal na impormasyon: ang iyong bank account number, mga numero ng credit o debit card, at pampinansyal na history;

  • Ang iyong larawan sa anyong litrato o video: Sa ilang hurisdiksyon, mangongolekta rin kami ng data ng facial scan na kinuha mula sa iyong litrato o video (kilala bilang ‘biometric data’). Sumangguni sa aming Privacy Notice sa Facial Scan at seksyon 3 sa ibaba para sa higit pang impormasyon sa kung paano at bakit namin pinoproseso ang data na ito;

  • Ang nilalaman ng mga komunikasyon mo sa amin: mga email, recording ng tawag sa telepono at online na mga chat message;

  • Impormasyon tungkol sa iyong personal na kalagayan: impormasyong puwedeng magdulot sa iyo ng pinsala o mangailangan ng karagdagang pag-iingat para matugunan ang aming mga obligasyong ayon sa regulasyon para suportahan ang mga vulnerable na customer;

  • Pinagmumulan ng Pondo: impormasyong may kinalaman sa pinagmumulan ng pondo o pinagmumulan ng kayamanan, kung saan posibleng kasama ang isang kopya ng mga statement ng iyong bank account.

Kung hindi ka makakapagbigay ng anumang impormasyon na sinabi namin sa iyong kailangan para matugunan ang mga legal na kinakailangan, posibleng makaapekto ito sa aming kakayahang magbigay sa iyo ng mga serbisyo namin.

Puwede mong masiguro na updated, kumpleto, at tumpak ang mga contact detail mo sa pamamagitan ng pag-log in sa iyong account at pag-update sa mga ito anumang oras sa mga setting ng account.

Kung magbibigay ka ng personal na data tungkol sa sinuman maliban sa sarili mo, kabilang ang isang counterpart sa pagbabayad, kaibigan na inirekomenda mo, isang tao na gusto mong makasamang mag-set up (o nakapag-set up) ng Group Spending, mga indibidwal sa contact list ng iyong phone book, o sinumang iba pa na may angkop na kaugnayan sa Wise (isang “konektadong tao”), kinukumpirma mo na nakuha mo ang kanilang pagsang-ayon o kaya naman ay may karapatan kang ibigay ang impormasyong ito sa amin. Kabilang doon ang pagpapaalam sa kanila ng notice na ito kung legal na kinakailangan.

2.2 Impormasyong kinokolekta namin tungkol sa iyo mula sa iyong paggamit ng aming mga serbisyo:

Kabilang dito ang:

  • Data ng transaksyon: mga detalye ng transaksyong ginagawa mo kapag ginagamit ang aming mga serbisyo (halimbawa, mga pagbabayad sa at mula sa iyong account kabilang ang mga detalye ng beneficiary at ang heyograpikong lokasyon kung saan nagmumula ang transaksyon);

  • Impormasyon tungkol sa iyong mga device: mga detalye ng internet protocol (IP) address na ginamit para ikonekta ang iyong device sa internet, ang iyong impormasyon sa pag-log in, uri at bersyon ng browser, setting ng time zone, mga uri at bersyon ng plug-in ng browser, operating system at platform, ang uri ng device na ginamit mo, kung gumagamit ang device mo ng virtual private network (VPN), isang natatanging identifier ng device (halimbawa, ang IMEI number ng iyong device, ang MAC address wireless network interface ng device, o ang mobile phone number na ginamit ng device), impormasyon ng mobile network, ang iyong mobile operating system, at ang uri ng mobile browser na ginagamit mo;

  • Impormasyon tungkol sa kung paano mo ginagamit ang aming Mga Website o App: mga detalye ng mga produkto na tiningnan o hinanap mo, impormasyon sa interaction sa page, at, kung na-install mo ang app, mga naka-install na application sa iyong mobile device na may remote na access na mga pahintulot;

  • Mga behavioural biometric: mga detalye ng paraan ng pag-log in at pag-interact mo sa aming website o app, tulad ng bilis ng pag-type, keystroke, paggawi ng touch at mouse para suportahan ang pagtukoy ng mapanloko at kahina-hinalang mga pagsubok na i-access ang iyong Wise Account;

  • Impormasyong naka-store sa iyong device: kabilang ang iyong contact list kung binigyan mo kami ng access sa iyong phone book.

2.3 Impormasyong natanggap namin mula sa ibang mga pinagmulan.

Kasama rito ang:

  • Impormasyon mula sa mga financial institution: posibleng tumanggap kami ng personal na impormasyon mula sa ibang mga bangko at financial institution. Halimbawa, kapag sinabi mo sa amin, posibleng mangolekta kami ng impormasyon tungkol sa mga bank account na pinili mong ikonekta sa iyong Wise account (halimbawa sa pamamagitan ng Open Banking sa UK o EEA, o kung nagtatakda ka ng direct debit na paraan tulad ng ACH sa US, o EFT sa Canada);

  • Impormasyon mula sa mga nakakonektang tao: kung isa kang “nakakonektang tao” para sa isang customer ng Wise, kung gayon ay posibleng ibigay sa amin ng customer ng Wise na iyon ang iyong personal na data. Halimbawa, kung beneficiary ka ng pagbabayad, puwedeng kasama sa data ang pangalan, mga detalye ng account, email, at karagdagang impormasyon sa pag-verify kung kinakailangan para sa pagtupad ng aming legal na mga obligasyon o kung hiniling ng recipient na bangko;

  • Mga network ng advertising, provider ng analytics, at provider ng impormasyon sa paghahanap: posible nila kaming bigyan ng impormasyon tungkol sa iyo, kabilang ang kumpirmasyon sa kung paano mo nakita ang aming website;

  • Impormasyong mula sa mga ahensya sa paghadlang sa panloloko at pampamahalaan o pribadong mga database: Sa ilang hurisdiksyon, posibleng suriin namin ang impormasyong ibinigay mo sa amin sa mga pampamahalaan o pribadong database ng record ng pagkakakilalan, mga ahensya sa paghadlang sa panloloko, iba pang mga pribadong entity, o sa mga ahensya ng credit reference para kumpirmahin ang iyong pagkakakilanlan at malabanan ang panloloko.

  • Impormasyon mula sa mga pinagmumulan na available sa publiko: Posibleng mangolekta kami ng impormasyon mula sa mga pinagmumulan na available sa publiko, tulad ng mga media story, online register o directory, at website para sa pinahusay na mga due diligence na pagsusuri, at layunin sa KYC.

2.4 Impormasyon mula sa mga social network

  • Kung magla-log in ka sa mga serbisyo namin gamit ang iyong social network account (kabilang ang Apple ID, Facebook, o Google) matatanggap namin ang impormasyon na kailangan para ma-authenticate namin ang iyong access, tulad ng iyong profile at email address, alinsunod sa patakaran sa privacy ng social network.

  • Kapag binibisita ang aming mga page ng social network, kinokolekta ng mga social media network (tulad ng Facebook o Instagram) ang personal na data tungkol sa iyo na kino-compile nila para maging statistics. Bagaman puwede naming tingnan ang pinagsamang statistics na ito, hindi namin maa-access ang pinagbabatayang personal na data o iugnay ito sa mga partikular na indibidwal o follower.

  • Nangongolekta rin kami ng impormasyon tungkol sa iyo kapag ginagamit mo ang aming mga page ng social network (tulad ng Instagram, o LinkedIn) para makontak kami sa pamamagitan ng paggawa ng sarili mong post, pag-tag sa amin, pagkokomento sa mga post namin, o pagpapadala sa amin ng mga pribadong mensahe.

  • Sa pana-panahon, gagamitin namin ang impormasyon tungkol sa iyo na available sa publiko mula sa mga piling network ng social media o media para magsagawa ng mga pinahusay na due diligence na pagsusuri.

2.5 Data ng mga bata

Nakadisenyo ang mga serbisyo namin para sa mga adulto at hindi nakadirekta sa mga bata. Kung matuklasan naming nakakolekta kami ng data mula sa isang bata nang hindi sinasadya, kikilos kami agad para i-delete ang impormasyong iyon.

3. Mga paraan kung paano namin ginagamit ang impormasyon mo

3.1 Legal na batayan: Gagamitin lang namin ang iyong personal na data kapag pinahihintulutan kami ng batas. Sa karamihan ng mga sitwasyon, ang legal na batayan namin ay ang isa sa sumusunod:

  • Kinakailangan sa kontrata: kapag kailangan ang pagproseso ng personal na data para isagawa o pumasok sa aming kasunduan sa iyo (halimbawa, kung kailangan ang pagproseso para magbayad o mabayaran.);

  • Legal na obligasyon: kung saan may legal na obligasyon kami para iproseso ang iyong personal na data para makasunod sa mga batas at regulasyon (tulad ng pangongolekta sa mga dokumento ng pagkakakilanlan para makasunod sa mga batas ng anti-money laundering);

  • Mga lehitimong interes: kung saan may lehitimo kaming dahilan para iproseso ang iyong personal na data na makatuwiran kapag ibinabalanse sa iyong mga karapatan at interes (halimbawa, para maunawaan kung paano ginagamit ang mga serbisyo namin at pahusayin ang mga ito);

  • Pahintulot: kung saan ibinigay mo sa amin ang iyong pahintulot na iproseso ang iyong data;

  • Malaking interes ng publiko: kung saan pinoproseso namin ang sensitibo o espesyal na kategorya ng data (nagsisiwalat o nauugnay sa kalusugan, etnisidad, mga pampolitikang pananaw, sexual oryentasyon, o iba pang mga pinoprotektahang katangian ng isang tao) at ang pagpoprosesong iyon ay nasa malaking interes ng publiko (halimbawa, para suportahan ang vulnerable na customer).

3.2 Mga layunin kung saan gagamitin namin ang iyong personal na data: Inilalarawan sa ibaba ang mga paraan kung paano namin pinaplanong gamitin ang iyong personal na data, kasama ang nauugnay na mga legal na batayan. Bagaman hindi inililista ng table na ito ang pahintulot bilang legal na batayan para sa bawat aktibidad ng pagpoproseso, sa ilang bansa, gaya ng mga bansa kung saan ang pahintulot ang pinakaangkop o ang tanging batayang ayon sa batas, umaasa kami rito. Para sa mga karagdagang detalye, sumangguni sa mga appendix na partikular sa bansa rito.

Kung para saan namin ginagamit ang data mo Ang legal na batayan sa paggawa nito
Para matukoy kung kwalipikado kang gamitin ang mga serbisyo namin

Nagsasagawa kamin ng mga pagsusuri para i-verify ang iyong pagkakakilanlan habang nag-o-onboard para makasunod sa mga obligasyon ng Kilalanin ang Iyong Customer (Know Your Customer) “KYC” sa ilalim ng mga batas ng anti-money laundering. Sa ilang bansa, bilang bahagi ng aming mga proseso para sa KYC kumukuha kami ng impormasyon ng face scan (kilala bilang “biometric data”) mula sa isang selfie o video na ibinigay mo para ihambing sa litrato mo sa mga dokumento ng pagkakakilanlan (tingnan ang aming Privacy Notice ng Facial Scan).

Mga legal na obligasyon

Pahintulot (para sa pangongolekta ng biometric data)

Para ibigay ang aming mga produkto at serbisyo sa iyo

Ipoproseso namin ang personal na data kapag kinakailangan para:

  • Mabigyan ka ng mga serbisyo sa pagpapadala ng pera at serbisyo ng Wise account na hinihiling mo;
  • Kung saan available, para mabigyan ka ng aming produkto ng mga asset kung pipiliin mong gamitin ito. Sumangguni sa nauugnay na Asset Customer Agreement, at sa Appendix ng Data Controller para sa responsableng entity;
  • Bigyan ang mga customer ng Group Spending ng kakayahang imbitahan ang ibang mga customer sa group spending;
Kinakailangan sa kontrata

Legal na obligasyon

  • Mabigyan ka ng mga serbisyo ng customer support, at para subaybayan o i-record ang anumang mga komunikasyon sa pagitan natin, kabilang ang mga pagtawag sa telepono, para sa mga layunin ng pagsasanay at kalidad;
Mga lehitimong interes. Lehitimong interes namin na subaybayan ang kalidad ng serbisyo
  • Magbigay ng mga feature na mas nagpapadali sa iyo na maghanap, mahanap, at kumonekta sa ibang mga customer ng Wise. Tingnan ang seksyon 4 para sa mga karagdagang detalye.
Mga lehitimong interes para sa ilang partikular na feature ng discoverability. Lehitimong interes namin na tulungan ang mga customer ng Wise na mahanap ang isa't isa at magpadala ng pera sa madaling paraan.

Pahintulot (para ma-access ang contact list ng iyong mobile phone at para sa ilang partikular na feature ng discoverability). Tingnan ang seksyon 4 para sa mga karagdagang detalye.

Para masiguro ang kaligtasan ng account, kabilang ang pagprotekta sa iyo laban sa panloloko

Nagpoproseso kami ng personal na data:

  • Para mahadlangan, matukoy, o magprotekta laban sa aktwal o pinaghihinalaang panloloko, hindi awtorisadong mga transaksyon, mga claim, pananagutan, at pampinansyal o iba pang mga krimen. Sa ilang sitwasyon, posibleng kasama rito ang pangongolekta ng biometric data. Halimbawa, kung babaguhin mo ang numero ng telepono na naka-link sa iyong account o para ma-recover ang access sa iyong account (tingnan ang aming Privacy Notice ng Facial Scan). Para panatilihing epektibo ang aming mga hakbang laban sa panloloko, hindi namin laging puwedeng ibahagi ang lahat ng detalye tungkol sa kung paano namin hinahadlangan ang panloloko;
  • Bilang bahagi ng aming mga pagsisikap na panatilihing ligtas at secure ang aming serbisyo.
Kinakailangan sa kontrata

Legal na obligasyon

Mga lehitimong interes. Lehitimong interes namin na tukuyin, hadlangan, at imbestigahan ang panloloko, money laundering at iba pang mga krimen para protektahan ang aming negosyo at mga customer.

Pahintulot para sa pangongolekta ng biometric data.

Pagsunod sa legal at panregulatoryong mga obligasyon na pumoprotekta sa negosyo namin at nagpapatupad sa aming mga karapatan

Posibleng iproseso namin ang iyong personal na data:

  • Para sumunod sa legal at/o panregulatoryong mga kinakailangan, kabilang ang pagtugon sa mga kahilingan mula sa mga pampubliko at pampamahalaang mga awtoridad, na posibleng sa labas ng bansang tinitirahan mo, matapos maipakita ng awtoridad na ayon sa batas;
  • Kung ginagamit mo ang aming produkto ng mga asset, para sumunod sa aming mga obligasyon para matukoy ang iyong status sa buwis at pagsunod sa nauugnay na mga regulasyon sa buwis;
  • Para mapigilan, matukoy, o magprotekta laban sa aktwal o pinaghihinalaang panloloko, hindi awtorisadong mga transaksyon, mga claim, pananagutan, at pampinansyal o iba pang mga krimen, kabilang ang pagsasagawa o pakikipagtulungan sa mga imbestigasyon ng panloloko o ibang ilegal na gawain kung saan sa tingin namin ay makatarungan at nararapat na gawin;
  • Para kumilos para mabawi ang mga halagang dapat bayaran sa amin, kabilang ang sa pamamagitan ng mga claim sa insurance, at para pahintulutan kami na mabawi o malimitahan ang mga pinsalang posibleng makuha namin;
  • Para pahintulutan ang isang third party o pampinansyal na institusyon na nagkamali sa pagpapadala ng pera para mabawi ang perang natanggap mo nang may pagkakamali o dahil sa panloloko;
  • Para i-verify ang impormasyong ibinibigay mo sa amin, at para ipatupad ang aming Kasunduan sa Customer sa iyo;
  • Para imbestigahan, pamahalaan, at lutasin ang mga reklamo;
  • Para pigilan at pamahalaan ang mga insidente ng mapang-abuso o agresibong paggawi na ginagawa sa mga empleyado namin.
Mga legal na obligasyon

Lehitimong Mga Interes (lehitimong interes namin na protektahan laban sa pinsala ang aming negosyo, mga customer at empleyado)

Marketing at analytics

  • Para i-personalise ang mga mensahe ng marketing na natatanggap mo tungkol sa mga produkto at serbisyo na iniaalok namin para maging mas nauugnay at nakakainteres ang mga ito;
  • Para masukat o maunawaan ang pagiging epektibo ng aming advertising at para maghatid ng nauugnay na advertising sa iyo;
  • Para mabigyan ka ng impormasyon tungkol sa ibang katulad na mga produkto at serbisyong iniaalok namin na sa palagay namin ay magkakainteres ka.
Mga lehitimong interes. Lehitimong interes namin na ipaalam sa aming mga customer ang tungkol sa mga produkto at serbisyo namin kung saan posibleng magkainteres sila, para mai-personalise ang mga komunikasyon para sa marketing at maunawaan ang pagiging epektibo ng aming advertising.

Pahintulot kung saan kailangan naming kunin ang iyong pahintulot ayon sa batas.

Pagpapanatili at pagpapahusay ng aming mga serbisyo

Posibleng iproseso namin ang iyong personal na data:

  • Para gawin ang mga serbisyo namin at para sa mga layunin ng internal operational, pagpaplano, pag-audit, pag-troubleshoot, data analysis, pagsubok, pagsasaliksik, pang-istatistika, at survey;
  • Para magsagawa ng system o product development, kabilang ang pagtulong sa mga third party na supplier na mapahusay ang mga serbisyong ibinibigay nila sa amin;
  • Para mapahusay ang mga serbisyo namin at masiguro na naipapakita ang mga ito sa pinakaepektibong paraan;
  • Posible kaming gumamit ng Artificial Intelligence (“AI”), kabilang ang mga machine learning model at generative AI large language model (LLMs) para mapahusay ang efficiency at pagiging epektibo ng mga serbisyo namin at mga proseso para mapigilan ang pampinansyal na krimen at panloloko. Palagi naming ipapaalam sa mga customer namin kung nakikipag-interact sila sa AI system.
Mga lehitimong interes. Lehitimong interes namin na panatilihin, i-develop at pahusayin ang mga serbisyo namin.
Pag-unawa kung kailangan mo ng karagdagang support

Pinoproseso namin ang iyong personal na data para tulungan ka kung ipinapahiwatig ng iyong personal na kalagayan na posibleng kailangan mo ng karagdagang tulong (halimbawa kung namatayan ka o nakakaranas ng mga problemang pampinansyal);

Sa ilang bansa, legal na kinakailangan para sa amin na matukoy nang maagap at matulungan ang mga vulnerable na customer.

Malaking interes ng publiko (kung ipoproseso namin ang iyong sensitibong personal na data para sumunod sa mga legal na kinakailangan na nalalapat sa amin).

Pahintulot kung saan kailangan naming kunin ang iyong pahintulot ayon sa batas.

4. Paano namin ibinabahagi ang iyong personal na data

Posibleng ibahagi namin ang iyong personal na data sa sumusunod na mga third party:

4.1 Iba pa Ang mga kumpanya ng Wise ay posibleng tumulong sa pagbibigay ng mga serbisyo namin sa iyo, pagpapahusay sa mga operation namin, at pagsuporta sa mga function ng negosyo tulad ng customer support, teknolohiya, marketing, paghadlang sa panloloko at pagsunod.

4.2 Mga service provider na kumikilos sa ngalan namin at ng iba pang mga partner. Posibleng ibahagi namin ang iyong data sa pinagkakatiwalaang third-party na mga service provider at partner, tulad ng:

  • Mga bangko at iba pang mga pampinansyal na institusyon na nakikipagtulungan sa amin para mabigyan ka ng mga serbisyo namin (tulad ng pagsuporta sa pagsasagawa ng mga pagbabayad, o probisyon ng Wise account). Kumikilos ang mga third party na ito bilang independent at hiwalay na mga data controller na tumutukoy sa kung bakit at paano nila ipoproseso ang iyong data;

  • Mga advertiser at mga network ng advertising para pumili at maghatid ng mga nauugnay na advertisement sa iyo at sa iba pa. Kabilang dito ang mga social media network (na binabahagian namin ng data tulad ng iyong mobile number at email address sa secure na format) para maitugma nila ito sa personal na data na hawak na nila tungkol sa iyo. Pagkatapos, puwede silang magpakita sa iyo at sa iba pa ng mga mensahe tungkol sa mga produkto at serbisyo namin, o tiyakin na hindi ka makakakuha ng mga walang kaugnayang ad (halimbawa, kung ginagamit mo na ang produkto ng Wise na gusto naming i-advertise);

  • Mga provider ng analytics at search engine na tumutulong sa amin sa pagpapahusay at pag-optimize ng aming site;

  • Mga provider ng cloud storage at iba pang mga provider ng serbisyo sa teknolohiya, na nagbibigay ng hosting, mga IT service, maintenance, at technical support para matiyak na maayos na gumagana ang aming mga platform at serbisyo.

    Hinihiling sa mga service provider at partner na ito na iproseso ang iyong data nang secure at para lang sa mga layuning tinukoy sa aming kasunduan sa kanila.

4.3 Mga beneficiary: na tumatanggap ng limitadong impormasyon kapag nagpasimula ka ng transaksyon ng pagbabayad;

4.4 Mga regulator, ahensya ng pagpapatupad ng batas, at pampublikong awtoridad, kabilang ang mga panghudisyal at pang-administratibong hukuman, kung tungkulin naming ibunyag o ibahagi ang iyong personal na data bilang tugon sa isang subpoena, warrant, utos ng hukuman, legal at nakakasunod sa alituntuning kahilingan ng kapulisan o kaya naman ay hinihiling ng batas, o para ipatupad o ilapat ang aming Kasunduan sa Customer at iba pang naaangkop na kasunduan, o para protektahan ang mga karapatan, ari-arian, o kaligtasan ng Wise, ng mga customer namin, mga empleyado namin, o ng iba pa;

4.5 Mga ahensya sa paghadlang sa panloloko at mga provider ng mga serbisyo sa paghadlang sa panloloko para hadlangan, tukuyin, o magprotekta laban sa aktwal o pinaghihinalaang panloloko, hindi awtorisadong mga transaksyon, claim, pananagutan, at pampinansyal o iba pang mga krimen, kabilang ang pagsasagawa o pakikipagtulungan sa mga imbestigasyon ng panloloko o iba pang ilegal na aktibidad kung saan naniniwala kaming makatuwiran at angkop na gawin iyon, o kung hinihiling ng batas;

4.6 Mga third party o pampinansyal na institusyon: para mabawi ang utang o may kaugnayan sa iyong kawalan ng kakayahang magbayad o para pahintulutan sila na mabawi ang perang natanggap mo dahil sa pagkakamali o dahil sa panloloko;

4.7 Mga Paglilipat ng Negosyo: Kung magkaroon ng pag-merge, pagbili, o pagbenta ng mga asset, posibleng ilipat ang iyong data sa mga nauugnay na party na sangkot sa transaksyon, na sasailalim sa mga kasunduan ng pagiging kumpidensyal at naaangkop na batas sa proteksyon ng data;

4.8 Amazon, bilang bahagi ng Amazon Payment Service Provider Programme. Kung ang mga detalye ng iyong Wise account ay nakalagay o nailagay sa Amazon Seller Central, posibleng hilingin sa amin ng Amazon na padalhan sila ng mga detalye tungkol sa iyo, sa iyong mga account, mga pagbabayad sa mga account na iyon simula Enero 1, 2015, at mga external na account na naka-link sa iyong Wise account. Kung ayaw mong ibigay ng Wise sa Amazon ang impormasyong nasa itaas, hindi mo dapat ibigay ang mga detalye ng iyong Wise account sa Amazon at hindi mo magagamit ang iyong Wise account para tumanggap ng pera mula sa Amazon storefront mo.

4.9 Iba pang Mga Customer ng Wise:

Bilang customer ng Wise, bibigyan ka ng natatanging WiseTag. Puwede kang mahanap sa app ng ibang mga user ng Wise gamit ang iyong WiseTag para magpadala o tumanggap ng pera.

Binibigyang-daan din ng aming mga feature ng discoverability ang ibang mga customer ng Wise na mahanap ka gamit ang email o numero ng teleponong naka-link sa iyong Wise account nang hindi nangangailangan ng mga detalye ng bangko. Posibleng mag-iba ang default na mga setting depende sa bansang tinitirhan mo. Puwede mong baguhin ang mga ito anumang oras sa app. Alamin pa.

Kung isi-sync mo ang contact list ng iyong telepono, idaragdag namin ang sinuman sa mga contact mo na mga customer din ng Wise at ie-enable ang discoverability sa iyong listahan ng recipient, na nagpapadali sa pagpapadala sa kanila ng pera. Kung nasa contact ng ibang mga customer ng Wise at nag-sync sila ng kanilang mga contact, maidaragdag ka sa kanilang listahan ng recipient kung na-enable mo ang discoverability.

Para sa mga customer na gumagamit ng group spending, ibinabahagi at nakikita ng ibang mga miyembro ng group spending account ang data ng transaksyon ng nakabahaging balanse.

4.10 Ayon sa iyong Pahintulot: Sa ilang sitwasyon, posibleng ibahagi namin ang iyong impormasyon sa ibang mga third party kapag nagbigay ka ng malinaw na pahintulot na gawin iyon.

Kung gusto mo pa ng karagdagang impormasyon tungkol sa kung kanino namin ibinabahagi ang iyong data, o para mabigyan ng listahang partikular sa iyo, puwede mo itong hilingin sa pamamagitan ng pagsulat sa privacy@wise.com.

5. Mga Pandaigdigang Data Transfer

5.1 Bilang pandaigdigang provider ng mga serbisyo sa pagpapadala ng pera at multi-currency na mga account, mahalaga kung minsan na ilipat ang iyong personal na data sa mga bansang maliban sa iyong bansang tinitirahan o gamitin ang mga serbisyong sinusuportahan ng aming staff (kabilang ang mga serbisyo ng mga outsourced na partner) sa ibang mga hurisdiksyon.

5.2 Kapag naglilipat ng personal na data sa ibang mga bansa, gumagawa kami ng mga hakbang para sumunod sa mga naaangkop na batas sa proteksyon ng data sa mga paglipat na iyon. Sa partikular, kapag papunta ang isang paglipat sa bansang may mga regulasyon para sa proteksyon ng data na hindi nagbibigay ng katumbas na antas ng proteksyon ng data sa iyong bansa, gagawin namin ang lahat ng hakbang na makatuwirang kinakailangan para matiyak na secure na gagamitin ang iyong data at alinsunod sa notice na ito.

5.3 Kapag hinihiling ng naaangkop na batas ang mekanismo ng paglipat ng data:

(i) Nagpapadala kami sa mga bansa o recipient na kinikilala bilang may sapat na antas ng proteksyon para sa Personal na Data sa ilalim ng naaangkop na batas;

(ii) Pumapasok kami sa EU Standard Contractual Clauses na inaprubahan ng European Commission at ng UK International Data Transfer Addendum na inisyu ng Information Commissioner’s Office sa importer ng data.

(iii) Nagpapatupad kami ng iba pang paraang naayon sa batas na available sa amin sa ilalim ng naaangkop na batas.

Puwede kang mabigyan ng higit pang impormasyon tungkol sa mga third party na posible naming padalhan ng personal na data, ang kanilang mga lokasyon, at ang mga contractual na kasunduang ipinapatupad para makasunod sa mga naaangkop na batas para sa proteksyon ng data, kung magpapadala ka ng kahilijngan sa privacy@wise.com.

6. Profiling at automated na pagpapasiya

6.1 Posibleng gumamit kami ng ilang elemento ng iyong data, tulad ng iyong bansang tinitirhan at history ng transaksyon, para i-customize ang aming mga serbisyo at ang impormasyong ibinibigay namin sa iyo, at para matugunan ang mga pangangailangan mo. Halimbawa, kung madalas kang magpadala ng pondo mula sa isang partikular na currency patungo sa ibang currency, puwede naming gamitin ang data na ito para ipaalam sa iyo ang mga bagong update sa produkto o mga feature na posibleng kapaki-pakinabang sa iyo. Kung hindi mo gustong iproseso namin ang iyong personal na data para i-personalise ang mga komunikasyon ng electronic marketing, puwede kang mag-opt out sa pagtanggap ng mga komunikasyon ng electronic marketing anumang oras (tingnan ang seksyon 10 sa ibaba).

6.2 Gumagamit kami ng mga automated na proseso para tiyaking nakakatugon sa aming kinakailangang pamantayan ang iyong application para i-access ang mga serbisyo ng Wise at ang iyong paggamit ng mga serbisyo ng Wise, kabilang ang pag-verify ng iyong pagkakakilanlan, at para tumulong na mapigilan ang panloloko o iba pang mga ilegal na aktibidad. Posibleng gumawa ng automated na pasiya ang mga prosesong ito para tanggihan ang iyong application o ang isang iminumungkahing transaksyon, para i-block ang isang kahina-hinalang pagsubok na mag-log in sa iyong Wise account, o para isara ang iyong account. Kung mangyari ito, mano-notify ka at bibigyan ng pagkakataong humiling ng higit pang impormasyon tungkol sa kung paano nagawa ang pasya at humiling ng manual na pagsusuri. Sa anumang sitwasyon, kung sa palagay mo ay naaapektuhan ka ng automated na proseso, pakikontak ang Wise Customer support [LINK].

6.3 Kung matukoy namin, ng isang ahensya sa paghadlang sa panloloko, o ibang mga third party na nagbibigay ng mga serbisyo sa paghadlang sa panloloko, na may panganib ng panloloko o money laundering, posibleng tumanggi kaming ibigay ang mga serbisyong hinihiling o posibleng ihinto namin ang pagbibigay ng mga kasalukuyang produkto at serbisyo sa iyo. Magpapanatili ang mga ahensya sa paghadlang sa panloloko, o ang iba pang mga third party na ito, ng isang rekord ng anumang panganib sa panloloko o money laundering, at puwede itong magresulta sa pagtanggi ng iba na magbigay ng mga serbisyo, pagpopondo o trabaho sa iyo. \

7. Cookies

7.1 Gumagamit ang aming website at app ng maliliit na file na tinatawag na cookies, kasama ng mga katulad na teknolohiya gaya ng mga pixel tag at web beacon. Nakakatulong ito sa aming matukoy ka mula sa ibang mga user, malaman kung paano mo ginagamit ang aming site at mga produkto habang ibinibigay sa iyo ang pinakamagandang karanasan. Binibigyang-daan din kami ng mga ito na pahusayin ang aming mga serbisyo at matiyak na ang mga ad na nakikita mo online ay mas may kaugnayan sa iyo at sa mga interes mo. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa cookies at mga teknolohiya na ginagamit namin, pati na sa mga layunin nito, tingnan ang aming Patakaran sa Cookie.

7.2 Gumagamit din kamin ng mga pixel o web beacon sa ilan sa mga email namin para tulungan kaming maunawaan kung naihatid at nabasa ang aming email, at kung na-click ang mga link na nasa email. Ginagamit namin ang impormasyong ito para sukatin ang performance ng aming mga email campaign, at para tulungan kaming pahusayin ang susunod naming mga komunikasyon sa email.

8. Pagpapanatili ng Data

8.1 Pananatilihin lang namin ang iyong personal na data hangga't kinakailangan para magawa ang mga layunin kung bakit kinolekta namin ito. Bilang kinokontrol na pampinansyal na institusyon, ayon sa batas, kinakailangan ng Wise na i-store ang ilan sa iyong personal at pangtransaksyong data kahit pagkatapos maisara ang iyong account sa amin. Karaniwan na, hinihiling sa amin na panatilihin ang personal na data na iyon sa pagitan ng lima hanggang sampung taon pagkatapos isara ang account, depende sa mga naaangkop na batas.

8.2 Palagi kaming magde-delete ng data na hindi na kinakailangan ng nauugnay na batas o hurisdiksyon kung saan kami nagpapatakbo. Awtomatiko naming ginagawa ito, kaya hindi mo kami kailangang kontakin para sabihin sa amin na i-delete ang iyong data. Kasama sa mga paraan ng pag-delete ang pag-shred, pagsira at secure na pagtapon ng hardware at mga hard-copy na record, at pag-delete o pag-overwrite ng digital data.

9. Paano namin pinoprotektahan ang iyong personal na impormasyon

9.1 Lubos kaming nakatuon sa pag-iingat ng iyong impormasyon. Hindi ganap na secure ang pagpapadala ng impormasyon sa pamamagitan ng internet. Bagaman ginagawa namin ang aming buong makakaya para protektahan ang iyong personal na data, hindi namin magagarantiya ang seguridad ng iyong data habang ipinapadala ito. Ikaw ang mananagot sa anumang pagpapadala. Kapag natanggap na namin ang iyong impormasyon, nagpapatupad kami ng mahigpit na mga pamamaraan at mga feature ng seguridad para masiguro na mananatili itong secure, kabilang ang:

  • Naka-encrypt ang mga komunikasyon sa internet sa pagitan mo at ng Wise gamit ang malakas na asymmetric na encryption. Dahil dito, hindi ito mababasa ng sinuman na posibleng nakikinig;

  • Ina-update at pina-patch namin ang mga server namin sa tamang oras;

  • Nagpapagana kami ng Responsableng Pagbubunyag at bug bounty program para matukoy ang anumang isyung panseguridad sa mga serbisyo ng Wise;

  • Maagap na sumusubaybay ang aming technical security team para sa hindi normal at nakakasamang aktibidad sa mga server at serbisyo namin;

  • Kapag hindi ginagamit ang impormasyong ibinigay mo sa amin, naka-enrypt ito habang nakatabi.

Puwede mong malaman ang higit pa sa aming page ng Seguridad.

9.2 Regular kaming ino-audit para kumpirmahing nananatili kaming nakakasunod sa aming mga certification ng seguridad, kabilang ang SOC 2 at PCI-DSS. Bilang bahagi ng mga audit na ito, vina-validate ang aming seguridad ng external na mga auditor.

9.3 Pinahihigpitan namin ang access sa iyong personal na impormasyon sa mga empleyado ng Wise na may dahilang pangnegosyo para alamin ang naturang impormasyon at sa mga third-party na service provider na nagpoproseso ng data sa ngalan namin. Kailangang sumunod sa notice na ito ang lahat ng empleyado ng Wise na may access sa iyong personal na data at hinihiling ng Wise sa lahat ng third-party na service provider na tiyaking may ipinapatupad na angkop na mga proteksyon. Karagdagan pa, may ipinapatupad na mga kontrata sa third-party na mga service provider na may access sa iyong personal na data, para matiyak na ipinapatupad ang antas ng seguridad at mga hakbang na pamproteksyon na kinakailangan sa iyong hurisdiksyon, at na pinoproseso lang ang iyong personal na data kapag iniutos ng Wise.

9.4 Hindi kami tumitigil sa pagtuturo at pagsasanay sa mga empleyado namin tungkol sa kahalagahan ng pagiging kumpidensyal at privacy ng personal na impormasyon ng mga customer. Nagpapanatili kami ng pisikal, teknikal at pang-organisasyong mga proteksyon na nakakasunod sa mga naaangkop na batas at regulasyon para protektahan ang iyong personal na impormasyon mula sa hindi awtorisadong pag-access.

10. Ang mga karapatan mo

Posibleng may ilang partikular kang karapatan may kaugnayan sa pagproseso ng iyong personal na data. Hinihiling man ito o hindi ng iyong lokal na batas, palaging tutugon ang Wise sa mga kahilingan para sa impormasyong tungkol sa pagproseso ng personal na data, mga kahilingan para sa isang kopya ng personal na data tungkol sa isang customer, mga kahilingan para mag-delete ng personal na data at mga kahilingan para mag-opt out sa pagtanggap ng mga direktang komunikasyon sa marketing. Posibleng available ang iba pang mga karapatan depende sa iyong bansa.

Kung may mga tanong ka tungkol sa aming paggamit ng iyong personal na data, kontakin kami sa privacy@wise.com.

Ang karapatan mo Paano gamitin ang iyong karapatan
Humiling ng kopya ng iyong personal na data Kung hihingin mo sa amin, bibigyan ka namin ng kopya ng personal na data na hawak namin tungkol sa iyo. Para makasunod sa mga batas sa buong daigdig at sa iyong rehiyon, kakailanganin naming magbukod ng ilang partikular na data tulad ng personal na data ng mga third party at impormasyong nauugnay sa paghadlang o pagtukoy ng krimen.
Humiling ng pagwawasto ng iyong personal na data Iwawasto namin ang hindi tumpak o lumang impormasyon tungkol sa iyo kung sasabihin mo sa amin. Posibleng kailanganin naming i-verify ang katumpakan ng bagong data na ibinigay mo sa amin.

Puwedeng ma-update ang ilang partikular na detalye sa ilalim ng iyong mga setting sa app o website, pero palagi kaming masayang tulungan ka sa pamamagitan din ng mga channel ng Customer Support.

Humiling ng pag-delete ng iyong personal na data Puwede mong hilingin sa aming i-delete ang personal na data kapag:

(i) wala kaming magandang dahilan para patuloy namin itong iproseso;

(ii) matagumpay mong nagamit ang iyong karapatang tanggihan ang pagproseso (tingnan sa ibaba);

(iii) posibleng naproseso namin ang iyong personal na data nang hindi naaayon sa batas;

(iv) hinihiling sa aming i-delete ang iyong personal na data para makasunod sa mga batas, o

(v) nagpoproseso kami nang may pahintulot mo at binawi mo ang iyong pahintulot.

Posibleng hindi namin laging masusunod ang iyong kahilingan sa pag-delete. Bilang regulated na pampinansyal na institusyon, hinihiling sa amin na magpanatili ng personal na data ng customer sa loob ng ilang panahon pagkatapos maisara ang account. Kung hindi namin made-delete ang iyong personal na data, palagi naming ipapaliwanag kung bakit.

Bawiin ang iyong pahintulot Kapag nakabatay sa iyong pahintulot ang aming legal na batayan para sa pagproseso, puwede mong bawiin ang pahintulot anumang oras. Hindi nito maaapektuhan ang pagiging naaayon sa batas ng pagpoproseso na posibleng nangyari bago binawi ang pahintulot. Kung babawiin mo ang iyong pahintulot, posibleng hindi namin maibigay sa iyo ang ilang partikular na produkto o serbisyo.
Hilinging ihinto ang direct marketing sa iyo Kung hihilingin mo sa amin, hihinto kami sa pagpapadala sa iyo ng direct marketing. Posibleng kasama sa aming mga aktibidad sa marketing ang pag-profile sa iyo para sa layunin ng direct marketing. Kung tatanggi ka, puwede kang mag-opt out sa direct marketing, sa pamamagitan ng pagkontak sa amin o pag-adjust sa iyong mga kagustuhan sa notification sa seksyon ng mga setting ng iyong account.
Humiling ng pagsusuri ng tao sa isang automated na pasya Kapag gumagamit kami ng mga ganap na automated na proseso sa pagpapasiya, puwede mong hilinging magbigay kami ng impormasyon tungkol sa paraan ng pagpapasiya at hilingin sa aming i-verify na nagawa nang tama ang isang automated na pasya na nagdulot ng malaking epekto sa iyo.

Ipapaalam namin sa iyo kung saan lang kami gumawa ng mga automated na pasya na posibleng makakaapekto sa iyo nang malaki. Puwede kang humiling ng pagsusuri ng tao sa mga automated na pasya sa pamamagitan ng pagkontak sa Customer Support.

Tumanggi sa pagpoproseso batay sa mga lehitimong interes Kung nakabatay sa mga lehitimong interes ang legal na batayan namin para sa anumang pagproseso at hindi ka sumasang-ayon dito, puwede kang humiling ng pagsusuri. Kung may mas nakakahigit na dahilan kung bakit namin kailangang iproseso ang data (bukod pa sa kaso ng direct marketing) posibleng hindi namin tanggapin ang iyong kahilingan pero palagi naming ipapaliwanag kung bakit namin kailangang iproseso ang iyong data.
Hilingin sa aming suspindihin ang pagproseso Puwede mong hilingin sa aming suspindihin ang pagproseso ng iyong personal na data sa mga sumusunod na situwasyon:

(i) kung gusto mong tukuyin namin ang katumpakan ng data;

(ii) kapag hindi ayon sa batas ang pagproseso namin ng data pero hindi mo gustong i-delete namin iyon sa ngayon;

(iii) kapag gusto mong panatilihin ang data kahit na hindi na namin ito kailangan dahil kailangan mo ito para patunayan, isagawa o ipagtanggol ang mga legal na claim; o

(iv) tinanggihan mo ang paggamit namin ng iyong data pero kailangan naming kumpirmahin kung mayroon o wala kaming mas nakahihigit na mga lehitimong dahilan para magpatuloy sa paggamit nito.

Hilinging ilipat ang iyong data sa isa pang kumpanya Kung hihilingin mo sa amin, ibibigay namin sa iyong piniling third party ang personal na data na ibinigay mo sa amin sa nakaayos, karaniwang ginagamit, machine-readable na format.

11. Mga pagbabago sa aming Patakaran sa Privacy

Para makasunod sa nagbabagong batas, pinakamahusay na kasanayan, at mga pagbabago sa kung paano namin pinoproseso ang personal na impormasyon, posibleng baguhin namin ang notice na ito anumang oras. Kung magkakaroon ng malalaki o mahahalagang pagbabago sa notice na ito, ipapaalam namin sa iyo.

12. Contact

12.1 Pakipadala ang anumang tanong, komento o kahilingan tungkol sa notice na ito sa aming privacy team sa privacy@wise.com, kung saan puwede mo ring kontakin ang aming Data Protection Officer. Puwede ka ring sumulat sa amin o sa aming Data Protection Officer sa aming nakarehistrong tanggapan na angkop sa iyo, gaya ng nakalista rito.

12.2 Kung sa palagay mo ay hindi namin sapat na natugunan ang mga tanong o ikinababahala mo, o naniniwala kang nalabag ang iyong mga karapatan sa proteksyon ng data o privacy, puwede kang magreklamo sa sinumang supervisory authority o ibang pampublikong organisasyon na may pananagutan sa pagpapatupad ng mga batas sa privacy, gaya ng nakalisata sa Appendix ng Data Controller.

Kung magkaroon ng salungatan sa pagitan ng notice na ito sa privacy at sa English na bersyon, mananaig ang English na bersyon.

Pabalik sa itaas

Mga probisyong partikular sa bansa

Kung may salungatan sa pagitan ng privacy notice, mananaig ang aming US Consumer Privacy Noticeo ang mga appendix sa ibaba ng US Consumer Privacy Notice o ang nauugnay na appendix.

Appendix 1 EEA (European Economic Area) - pagbubunyag ng iyong personal na data

Kung residente ka ng EEA na may balanse sa amin (Multi-Currency Account), legal kaming may pananagutan na ibunyag ang sumusunod na personal na data sa Central Point of Contact of the National Bank of Belgium (“CPC”).

Sa tuloy-tuloy na batayan:

  • Belgian bank at mga account sa pagbabayad at powers of attorney sa mga account na ito. Para sa bawat account, dapat i-report ang numero ng account, ang kapasidad ng customer (may-ari ng account o proxy holder) at ang petsa ng pagsisimula o pagtatapos ng account;
  • ang pagkakaroon ng ilang partikular na pampinansyal na kontrata na ginawa sa Belgium: petsa ng pagsisimula o pagtatapos ng contractual na ugnayan sa customer at uri ng kontrata;
  • ang pagkakaroon ng ilang partikular na pampinansyal na transaksyon gamit ang cash: ang uri ng transaksyon, ang kapasidad ng customer (ang customer mismo o ang kaniyang awtorisadong kinatawan) at ang petsa ng transaksyon.

Pana-panahon:

  • ang halaga ng balanse sa credit ng nauugnay na mga cash account sa Hunyo 30, at Disyembre 31, ng bawat taon;
  • ang “pinagsamang halaga” ng gayong mga kontrata ng mga serbisyo sa pamumuhunan, ibig sabihin, ang halaga ng mga asset na nasa kustodiya namin at ang mga pananagutan namin sa mga kliyente sa ilalim ng mga kontratang iyon sa Hunyo 30, at Disyembre 31, ng bawat taon.

Para matukoy ang mga taong nasa likod ng mga account na ito, mga kontratang pampinansyal at transaksyong may sangkot na cash, dapat din naming iulat ang sumusunod na impormasyon:

  • para sa mga natural na tao: National Register number (o BIS number) o, kung wala nito, apelyido at pangalan, petsa ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan (opsyonal) at bansa ng kapanganakan;
  • para sa mga panlegal na tao: numero nila na nakarehistro sa Crossroads Bank for Enterprises o, kung wala nito, buong pangalan, legal form, kung mayroon, at bansa ng establisimyento.

Inirerekord ng CPC ang data na ito at pinapanatili sa loob ng 10 taon. Nagpapanatili ang CPC ng listahan ng mga kahilingan sa impormasyon na natatanggap nito sa loob ng limang taon.

Sa ilalim ng mahihigpit na kundisyon, posibleng ibunyag ng CPC ang data na ito sa mga awtoridad sa buwis ng Belgium at iba pang mga awtoridad at tao na legal na may karapatan para humiling ng impormasyon mula sa CPC. Posibleng gamitin ang data sa konteksto ng (i) mga pagtatanong na nauugnay sa buwis, (ii) imbestigasyon sa mga kriminal na paglabag, (iii) paglaban sa money laundering, pagpopondo sa terorista at malulubhang kriminal na paglabag, at (iv) para sa anumang iba pang layunin sa ilalim ng batas ng Belgium.

May karapatan kang suriin ang data na iniugnay ng CPC sa iyong pangalan sa National Bank of Belgium (Boulevard de Berlaimont 14, 1000 Brussels). Puwede mo itong gawin sa pamamagitan ng pagbisita sa website ng NBB at pagsunod sa itinakdang proseso. May karapatan ka ring hilingin na itama o i-delete, mas maganda kung sa pamamagitan namin, ang anumang hindi tumpak na data na inirekord ng CPC at iniugnay sa iyong pangalan.

Appendix 2 Mga residente ng California - mga karapatan mo

Kung residente ka ng California:

  • Posibleng may ilang partikular kang karapatan sa ilalim ng California Consumer Privacy Act (“CCPA”) may kinalaman sa iyong personal na data, kabilang ang:
    • Ang karapatang maipagbigay-alam ang personal na data na kinokolekta, ginagamit, at pinoproseso namin. Higit pang detalye sa:
      • mga kategorya ng personal na data na nakolekta,
      • mga pinagmumulan kung saan namin kinokolekta ito,
      • mga pangnegosyo o pangkomersyal na layunin ng pagkolekta,
      • pati na ang mga kategorya ng mga third party kung saan namin ibinubunyag ang personal na data, ay inilalarawan sa pangunahing Privacy Notice, na sinususugan ng Wise U.S. Consumer Privacy Notice.
    • Ang karapatang hilingin ang partikular na mga bahagi ng personal na data na kinolekta namin tungkol sa iyo sa loob ng labindalawang (12) buwan bago ang iyong kahilingan;
    • Ang karapatang humiling ng pag-delete ng iyong personal na data na kinolekta namin;
    • Ang karapatang itama ang anumang hindi tumpak na impormasyon tungkol sa iyo na hawak namin;
    • Ang karapatang limitahan ang paggamit ng iyong sensitibong personal na impormasyon tangi lang sa kinakailangan para ibigay ang mga produkto o serbisyo;
    • Ang karapatang mag-opt out sa pagbebenta o pagbabahagi ng personal na impormasyon, gayunpaman, pakitandaan na hindi nagbebenta ang Wise ng personal na impormasyong inilalarawan sa CCPA. Gaya ng nakadetalye sa pangunahing Privacy Notice, nagbabahagi kami ng personal na impormasyon sa ibang mga negosyo para sa iba't ibang dahilan. Bagaman nakikinabang kami sa gayong mga palitan, hindi kami nagbabahagi ng personal na impormasyon para lang sa layunin ng pagtanggap ng bayad para sa impormasyong iyon; at
    • Ang karapatang hindi madiskrimina sa pagsasagawa ng mga karapatang ito.
  • Dapat mong malaman na hindi nalalapat ang seksyong ito sa:
    • Personal na impormasyong saklaw ng ilang espesipikong batas sa privacy na partikular sa sektor, kabilang ang Gramm-Leach-Bliley Act at ang mga ipinapatupad nitong regulasyon, ang California Financial Information Privacy Act, at ang Driver’s Privacy Protection Act of 1994; o
    • Iba pang impormasyong sumasailalim sa pagbubukod ng CCPA.
  • Mga batas na “Shine the Light” at “Eraser”: puwede kang humiling ng listahan ng lahat ng mga third party na binunyagan namin ng partikular na impormasyon sa nakaraang taon para sa mga layunin ng direct marketing ng mga third party na iyon. Hindi sumasali ang Wise sa gayong mga kasanayan.
  • Kung gusto mong gumawa ng kahilingan, isumite ito nang nakasulat sa privacy@wise.com, o sa pamamagitan ng pagkontak sa amin sa +1-888-908-3833. Obligado kaming i-verify ang iyong pagkakakilanlan at na awtorisado kang tanggapin ang impormasyong ito bago gawin ang kahilingan mo.

Appendix 3 India - Data na kinokolekta namin tungkol sa iyo at mga paraan ng paggamit namin sa impormasyon mo

Karagdagan pa sa Seksyon 3 ng Notice na ito, posible rin kaming umasa sa "lehitimong paggamit" bilang legal na batayan para iproseso ang iyong personal na data. Halimbawa, posibleng gawin namin ito kapag boluntaryo mong ibinibigay sa amin ang iyong personal na data habang ginagamit ang mga serbisyo namin.

Posibleng kolektahin namin ang iyong data na nauugnay sa Aadhaar, kabilang ang mga detalye ng iyong demograpiko para sa mga layunin ng pag-verify ng iyong pagkakakilanlan para gamitin ang mga serbisyo namin. Kinokolekta namin ang iyong data sa Aadhaar batay sa iyong boluntaryo at may-kabatirang pahintulot. Pakitandaan na boluntaryo ang probisyon ng iyong data na nauugnay sa Aadhaar, at puwede mong piliing bigyan kami ng ibang opisyal na valid na mga dokumento na na-notify ng mga pampinansyal na regulator tulad ng passport, dokumento ng pagkakakilanlan ng botante at lisensya sa pagmamaneho para sa gayong mga layunin. Hindi ka tatanggihang bigyan ng aming mga serbisyo kung sakaling piliin mo na hindi ibigay sa amin ang iyong data na nauugnay sa Aadhaar.

Kung may mga tanong ka o alalahaning nauugnay sa notice na ito o sa aming pagproseso ng iyong personal na data, puwede mong kontakin ang aming grievance officer sa privacy@wise.com.

Appendix 4 Japan - Kung kanino namin ibinubunyag ang personal na data mo

Sa appendix na ito na partikular sa Japan, tumutukoy ang ‘kami’ sa Wise Payments Japan K.K.

Hindi namin ibinubunyag ang iyong personal na data sa anumang third party malibang pinahintulutan mo o kaya ay pinahihintulutan ng naaangkop na batas.

  • Posibleng ipagkatiwala namin ang iyong personal na data sa mga third-party na service provider. Sa gayong sitwasyon, gagawa kami ng service contract sa mga naturang third party at pangangasiwaan namin sila para i-secure ang iyong personal na data.

  • Sama-sama naming ginagamit ang iyong personal na data na inilalarawan sa Seksyon 2 ng Privacy notice na ito sa Wise Payments Limited (nakarehistro sa England at Wales (company number 07209813) sa nakarehistrong tanggapan nito sa Worship Square 65 Clifton Street, London EC2A 4JE, isang provider ng mga serbisyo ng pagbabayad na nakarehistro bilang mga serbisyo sa pera ng Her Majesty's Revenue and Customs (HMRC) at nasa ilalim ng pamamahala ng United Kingdom Financial Conduct Authority (FCA), para sa mga layuning inilalarawan sa Seksyon 3 ng notice na ito.

  • Ang responsableng partido para sama-samang paggamit na ito ay ang Wise Payment Japan K.K., na may headquarters sa 2-13-12, Nihonbashi, Chuo-ku, Tokyo, 103-0027. Pakikontak kami sa privacy@wise.com para sa mga detalye ng kumakatawang direktor.

Appendix 5 Mga partikular na probisyon ng anti-fraud agency ng UK

  1. Bago kami magbigay ng mga serbisyo, produkto o financing sa iyo, nagsasagawa kami ng mga pagsusuri para mapigilan ang panloloko at money laundering, at para i-verify ang iyong pagkakakilanlan. Hinihiling sa amin ng mga pagsusuring ito na magproseso ng personal na data tungkol sa iyo.

  2. Gagamitin ang personal na data na ibinigay mo, kinolekta namin mula sa iyo, o natanggap namin mula sa mga third party para pigilan ang panloloko at money laundering, at para i-verify ang iyong pagkakakilanlan.

  3. Kasama sa mga detalye ng personal na impormasyong ipoproseso ang, halimbawa: pangalan, address, petsa ng kapanganakan, mga contact detail, pinansyal na impormasyon, mga detalye ng pamamasukan, mga identifier ng device kasama ang IP address, at mga detalye ng sasakyan.

  4. Posible ring pahintulutan namin at ng mga ahensya sa paghadlang sa panloloko ang mga ahensya ng pagpapatupad ng batas na i-access at gamitin ang iyong personal na data para tukuyin, imbestigahan at hadlangan ang krimen.

  5. Pinoproseso namin ang iyong personal na data sa batayang may lehitimo kaming interes sa paghadlang sa panloloko at money laundering, at para i-verify ang iyong pagkakakilanlan, para maprotektahan ang aming negosyo at para sumunod sa mga batas na nalalapat sa amin. Contractual na kahilingan din ng mga serbisyo o financing na hiniling mo ang gayong pagpoproseso.

  6. Maaaring itago ng mga ahensiya ng pag-iwas sa pandaraya ang iyong personal na data para sa iba't ibang tagal ng panahon, at kung ikaw ay itinuturing na may panganib sa pandaraya o money laundering, maaaring itago ang iyong data nang hanggang anim na taon.

  7. Bilang bahagi ng pagproseso ng personal na data, posibleng gawin ang mga pasya sa pamamagitan ng mga automated na paraan. Nangangahulugan ito na posibleng awtomatiko kaming magdesisyon na may panganib ka ng panloloko o money laundering kung ipapakita ng aming pagpoproseso na katulad ng money laundering o kilalang panloloko ang paggawi mo, o hindi ito tumutugma sa iyong mga naunang pagsusumite, o mukhang sinadya mong itago ang iyong tunay na pagkakakilanlan. May mga karapatan ka may kaugnayan sa automated na pagpapasiya. Kung gusto mong malaman ang higit pa, pakikontak kami sa privacy@wise.com.

  8. Kung matukoy namin, o ng ahensya sa paghadlang sa panloloko, na may panganib ka ng panloloko o money laundering, posibleng tanggihan naming ibigay sa iyo ang mga serbisyo o financing na hiniling mo, o tanggapin ka bilang empleyado, o posibleng ihinto namin ang pagbibigay sa iyo ng mga kasalukuyang serbisyo.

  9. Pananatilihin ang isang rekord ng anumang panganib sa pandaraya o money laundering ng mga ahensiya ng pag-iwas sa pandaraya, at maaaring magresulta ng pagtanggi ng iba na magbigay ng mga serbisyo, pagpopondo o trabaho sa iyo. Kung may mga tanong ka tungkol dito, kontakin kami sa privacy@wise.com.

  10. Posibleng payagan ng mga ahensya sa paghadlang sa panloloko ang paglipat ng iyong personal na data sa labas ng UK. Maaari itong isang bansa kung saan nagpasya ang gobyerno ng UK na ang iyong data ay poprotektahan sa mga pamantayan ng UK, ngunit kung ang paglipat ay sa ibang uri ng bansa, kung gayon ay titiyakin ng mga ahensya sa pag-iwas sa panloloko na patuloy na mapoprotektahan ang iyong data sa pamamagitan ng pagtiyak ng naaangkop na mga pag-iingat ay ginagawa.

  11. Protektado ng mga legal na karapatan ang iyong personal na data, na kinabibilangan ng mga karapatan mo para tumanggi sa pagproseso namin sa iyong personal na data, hilinging burahin o iwasto ang iyong personal na data, at humiling ng access sa iyong personal na data.

  12. Para sa karagdagang impormasyon o para gamitin ang iyong mga karapatan sa proteksyon ng data, pakikontak kami sa privacy@wise.com.

  13. May karapatan ka ring magreklamo sa Information Commissioner's Office, na nagre-regulate sa pagproseso ng personal na data.

Pabalik sa itaas