Karagdagang impormasyon (“Supplement”) tungkol sa Customer Agreement ng Wise Card
The Philippines (Wise Pilipinas Inc.)
Last updated: 6 December 2023
Maaari mong puntahan ng direkta ang kahit anong seksyon sa pamamagitan ng pagpindot ng link na ibinigay.
1. Paano basahin ang Supplement na ito
2. Bakit dapat mong basahin ang Supplement na ito
3. Talasalitaan
4. Tungkol sa iyong Card
5. Pag-upload ng pera sa iyong Card
6. Paggamit ng Card
7. Transaksyon
8. Kapag nag-expire ang iyong Card
9. Panatilihing Ligtas ang iyong Card
10. Karapatan sa pagkansela
1. Paano basahin ang Supplement na ito
Ang mga tuntunin na inilarawan sa iyong Customer Agreement ay mag-apply sa iyong pag gamit ng Card. Ang Supplement na ito ay dagdag sa Customer Agreement at dapat na basahin kasama ang Customer Agreement na naglalarawan ng mga tuntunin kaugnayan sa iyong Wise Account. Ang Supplement na ito ay naglalaman ng 10 seksyon. Maaari mong puntahan ng direkta ang kahit anong seksyon sa pamamagitan ng pagpindot ng link na ibinigay. Ang mga heading ay para sa sanggunian lamang. Ang ilang naka-capitalize na termino ay may mga partikular na kahulugan sa seksyon 3, o ibinigay ang kahulugan sa Customer Agreement. Ang mga salitang may salungguhit sa Supplement na ito ay naglalaman ng mga hyperlink sa karagdagang impormasyon.
2. Bakit dapat mong basahin ang Supplement na ito
2.1 Ano ang saklaw ng Supplement na ito. Ito ang mga tuntunin at kundisyon na naangkop sa paggamit ng Card na ibinibigay namin sa iyo.
2.2 Bakit kailangan mong basahin ito. Mangyaring basahin nang mabuti ang Supplement na ito bago mo gamitin ang Card. Ang Supplement na ito (at ang mga dokumentong tinutukoy dito) ay nagsasabi sa iyo kung sino kami, mga feature ng Card at kung paano mo ito magagamit, kung paano baguhin ang Supplement na ito o tapusin, kung ano ang gagawin kung may problema at iba pang mahalagang impormasyon. Kung sa tingin mo ay may pagkakamali sa Supplement na ito o nangangailangan ng anumang mga pagbabago, mangyaring ikontak kami upang ating talakayin.
2.3 Mga pagbabago sa hinaharap sa Supplement na ito. Maaari naming i-update ang Supplement na ito paminsan-minsan alinsunod sa seksyong “Ang aming karapatang gumawa ng mga pagbabago” sa Customer Agreement.
2.4 Tinatanggap mo ang Supplement na ito. Sa pamamagitan ng pag-aaplay o paggamit mo sa iyong Card, kinukumpirma mo na tinatanggap mo at sumasang-ayon ka sa Supplement na ito (kabilang na ang anumang mga update sa Supplement na ito at ang mga karagdagang dokumentong tinutukoy sa itaas). Kung hindi ka sumasang-ayon, mangyaring huwag mag-aplay o gamitin ang iyong Card.
2.5 Saan makakakuha ng kopya ng Supplement na ito. Lagi mong makikita ang pinakabagong bersyon ng Supplement na ito sa aming Website. Kung gusto mo ng kopya ng Supplement na ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Customer Support.
3. Talasalitaan
Sa Supplement na ito:
Card – ang ibig sabihin ay ang iyong Wise Card (kabilang ang anumang replacement na Card) na may nga features na itinakda sa clauses 4.5 and 4.6.
4. Tungkol sa iyong Card
4.1 Tungkol sa iyong Card. Ang Card ay isang debit card na maaaring gamitin upang magbayad para sa mga kalakal at serbisyo online, sa telepono o sa personal. Maaaring gamitin ang Card para mag-withdraw ng pera mula sa mga ATM sa ibang bansa (kung naaangkop). Ang Card ay hindi isang guarantee card, charge card o credit card.
4.2 Sino ang issuer ng iyong Card. Ang iyong Card ay inisyu ng Wise Pilipinas Inc., isang kumpanyang inkorporada sa ilalim ng mga batas ng Pilipinas na may Securities and Exchange Commission number 2021050013817-03.
4.3 Kami ay awtorisado ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Kami ay isang registradong Remittance and Transfer Company (RTC) na may Type “C” Electronic Money Issuer (EMI) / Money Changing (MC) / Foreign Exchange Dealing (FXD) na inawtorisado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (“BSP”) alinsunod sa Seksyon 3 ng R.A. 7653, as amended, (The New Central Bank Act), Section 3, in relation to Section 11 of R.A. 9160 (Ang Anti-Money Laundering Act (AMLA) ng 2001), Seksyon 3(c) ng R.A. No. 10168 (The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012), at ang kanilang mga implementing rules and regulations, at Seksyon 80 ng R.A. No. 7653, as amended (The New Central Bank Act), gayundin ang Seksyon 901-N at Seksyon 902-N ng Manual of Regulations for Non-Bank Financial Institutions, para mag-isyu ng electronic money at magbigay ng money changing and foreign exchange dealing services.
4.4 Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ay HINDI nag-aaplay. Ang iyong Card ay naka-link sa iyong Wise Account, na isang electronic money account at hindi isang bank account. Kinikilala mo na ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ay hindi nalalapat sa iyong Wise Account o Card. Gayunpaman, sinusunod namin ang mga nauugnay na kinakailangan sa ilalim ng mga lokal na regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas, na idinisenyo upang matiyak ang kaligtasan ng mga pondong hawak sa mga electronic money account tulad ng iyong Wise Account. Para sa karagdagang impormasyon sa kung paano namin pinangangalagaan ang iyong pera, mangyaring bisitahin ang aming FAQ.
4.5 Mga features at impormasyon tungkol sa iyong Card. Ang summary ng mga pangunahing tampok ng produkto at impormasyon tungkol sa iyong Card, kasama ang anumang naaangkop na mga fees, ay nakalagay dito. Kung ang iyong Wise Account ay isang business account, maaari mo lamang gamitin ang iyong Card para sa mga layuning pangnegosyo at hindi para sa personal na layunin. May mga transaksyon para sa pagkuha ng cash o mga katumbas ng cash (tulad ng mga withdrawal sa ATM, pagkuha ng cash mula sa isang merchant o bangko, money orders, travellers cheques, foreign exchange o bureau de change), at mga transaksyon sa pagpopondo ng account kung saan ginagamit ang Card para pondohan ang mga e-wallet at mga account o item na maaaring ma-convert sa cash (tulad ng mga casino chips, cryptocurrencies at lottery ticket), ay maaaring magkaroon ng karagdagang mga fees (sumangguni sa Pricing page para sa mga detalye). Maaari mong i-freeze ang iyong Card at i-unfreeze ito kapag handa ka nang gamitin ito muli.
4.6 Digital card. Maaari kang mag-aplay para sa digital Card gayundin sa physical Card. Ang iyong digital Card ay magkakaroon ng ibang detalye kumpara sa iyong pisikal na Card, ngunit kukuha ito mula sa mga pondo sa iyong Wise Account sa parehong paraan tulad ng iyong physical Card. Ang iyong digital Card ay activated at magagamit agad kapag ang mga detalyeng iyon ay ibinigay sa iyo.
4.7 Kapag pinalitan mo ang iyong profile address sa isang bagong bansa, ang iyong kasalukuyan na Card ay patuloy na gagana sa parehong paraan at magkakaroon ng parehong fee structure batay sa Wise entity na kasalukuyang naagseserbisyo sa iyo, hanggang sa mag-order ka ng bagong Card. Kapag pinalitan mo ang iyong profile address sa isang bagong bansa at nag-order ka ng bagong Card, lahat ng bago at kasalukuyang Card na nauugnay sa iyong profile ay sasailalim sa fee structure ng bagong Wise entity na nagseserbisyo sa iyo sa mga transaksyon para sa pagkuha ng cash o katumbas ng cash.
4.8 Verification. Magsasagawa kami ng mga pagsusuri sa pag-verify kapag nagbukas ka ng Wise Account. Nagsasagawa kami ng mga pagsusuri sa pag-verify kapag nag-aplay ka para sa isang Wise Account at maaaring magsagawa ng mga karagdagang pagsusuri sa isang ad-hoc na batayan. Ang mga pagsusuri na ito ay maaari ring makakaapekto sa pagtaas ng oras na kinakailangan upang maproseso ang iyong order para sa isang Card. Hindi kami maaaring maging responsable o mananagot para sa anumang mga pagkaantala bilang resulta ng pagsasagawa ng mga verification checks. Kung ikaw ay nagbayad ng fee para sa iyong Card ngunit hindi mo natutugunan ang aming mga verification checks, kakanselahin namin ang iyong Card at ibabalik naming sa iyo ang fee na binayaran mo para sa iyong Card sa loob ng 14 na araw ng aming desisyon na hindi buksan ang iyong Wise Account.
5. Pag-upload ng pera sa iyong Card
5.1 Paano mag-upload ng pera sa iyong Card. Ang iyong Card ay naka-link at sinusuportahan ng iyong Wise Account. Maaari kang mag-upload ng pera sa pamamagitan ng pagdaragdag ng pera sa iyong Wise Account. Para sa karagdagang impormasyon kung paano ito gagawin, mangyaring sumangguni sa Customer Agreement.
6. Paggamit ng Card
6.1 Paano i-activate ang iyong Card. Kapag natanggap mo ang iyong Card, i-sign ang likod nito sa sandaling matanggap mo ito at panatilihin itong ligtas. Maaari mong i-activate ang iyong Card sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin sa App o sa aming Website. Ang Card PIN ay 4-digit code na hihingiin na iyong i-type kapag nagbabayad gamit ang Card.
6.2 Pagbabayad gamit ang iba't ibang currencies. Maaari kang magkaroon ng mga balanse sa iba't ibang currencies sa iyong Wise Account. Kung mag-withdraw ka ng pera o bumili gamit ang isang currency kung saan may balanse ka sa iyong Wise Account, gagamitin ng Wise ang currency na iyon para sa iyong pag-withdraw o pagbili, at ikaw ay pumapayag at pinapahintulutan ang Wise na i-convert ang currency sa iyong Card network.
6.3 Pagbayad o pag-withdraw sa isang currency na hindi mo hawak sa iyong Wise Account. Kung mag-withdraw ka ng pera o bumili sa isang currency na hindi mo hawak sa iyong Wise Account, o kung mag-withdraw ka ng pera o bumili sa isang currency sa halagang higit sa available na pondo na meron ka sa currency na iyon, ang Wise ay maaaring mag-convert ng mga pondo mula sa isa pang currency na meron ka sa iyong Wise Account upang masakop ang transaksyong iyon, at ang currency conversion fees ng Wise ay mag-apply. Upang sumunod sa lokal na regulasyon, ang conversion ng Philippine Peso sa ibang currency ay hindi magiging available para sa mga ginawang transaksyon sa ilang Merchant Category Codes (MCC) na may kaugnayan sa investment, foreign loans, o pag-angkat. Mangyaring tingnan ang aming Pricing Page para sa karagdagang impormasyon sa aming rate at fees, pati ang pinakabagong naaangkop na porsyento ng mark-up sa rate ng ECB. Hindi ka makakapili ng default o gustong currency kung saan ito magko-convert.
6.4 Kapag tinutukoy kung aling currency ang iko-convert kapag mayroon kang higit sa isang currency sa iyong Wise Account, gagamitin ng Wise ang currency na may pinakamababang conversion fee para sa currency na kailangan upang makumpleto ang cash withdrawal o pagbili na ginawa mo. Kapag ang conversion mula sa ilang currency ay magkakaroon ng parehong conversion fee, magko-convert kami batay sa pinakamataas na rate ng conversion. Para sa higit pang impormasyon kung aling mga currency ang gagamitin kung sakaling gamitin mo ang iyong Card para mag-withdraw ng pera o bumili gamit ang currency na hindi mo hawak sa iyong Wise Account, bisitahin ang Wise Pricing page o makipag-ugnayan sa Customer Support.
6.5 Kapag ang currency ay hindi sinusuportahan ng Wise. Kung mag-withdraw ka ng pera o bumili sa isang foreign currency na hindi sinusuportahan ng Wise, ang rate na sisingilin ng VISA/MASTERCARD® network ay mag-apply.
6.6 Refund sa iba't ibang currencies. Kung nakatanggap ka ng refund sa iyong bayad gamit ang card sa isang sinusuportahang na currency, ikredito namin ang iyong Wise Account sa currency na iyon. Kung nakatanggap ka ng refund sa isang currency na hindi namin sinusuportahan, iko-convert muna namin ang halaga sa kasalukuyang Mastercard o Visa rate sa isang sinusuportahang currency at pagkatapos ay i-credit naming sa iyong Wise Account. Maaaring kailanganin naming i-activate ang isang currency sa iyong Wise Account para ma-credit sa iyo ang refund.
6.7 Walang negatibong balanse sa iyong Wise Account. Hindi ka dapat bumibili lampas sa halaga ng electronic money na available sa iyong Wise Account. Kapag ikaw ay bumili lampas sa iyong available funds or sa iyong card limits na ipinapatupad, ang transaksyon ay hindi matutuloy.
6.8 Limitasyon sa paggastos. Bagama't maaari kaming mag-alok sa iyo ng abilidad na magtakda ng mga limitasyon sa paggastos, inilalaan namin ang karapatang magdagdag, taasan, o bawasan ang mga limitasyon sa paggastos sa iyong Card. Ito ay nakabatay sa aming sariling diskresyon nang walang abiso sa iyo maliban kung kinakailangan sa ilalim ng batas, para sa seguridad o iba pang mga dahilan.
6.9 Ang iyong paggamit ng Card ay napapailalim sa ilang mga pagtatakda. Maaari naming, batay sa aming makatwirang diskresyon, tanggihan ang paggamit ng iyong Card para sa mga sitwasyon kabilang ang, ngunit hindi limitado sa:
- pre-authorized na mga regular na bayad;
- mga transaksyon sa self-service petrol pump;
- mga transaksyon sa cash (maliban sa pag-withdraw ng ATM) kabilang, ang halimbawa, ng cash back, cash mula sa isang bangko, mga money order, traveller’s cheques, foreign exchange, o bureau de change, o anumang iligal na layunin;
- kung hindi posible para sa supplier ng produkto o serbisyo na makakuha ng online na awtorisasyon na mayroon kang sapat na Balanse para sa transaksyon (tulad ng mga transaksyon sa mga tren, barko, at ilang mga pagbili sa paglipad);
- kung saan may hinala na ang Card ay ginagamit upang pagsamantalahan ang mga bulnerabilidad sa pagpoproseso ng pagbabayad ng isang merchant o sa ecosystem ng pagbabayad ng card; o
- kung saan mayroon kaming mga batayan upang maghinala na gumawa ka ng mga maling pahayag sa pagtatangkang makakuha ng reimbursement para sa nakaraang transaksyon.
6.10 Hindi kami mananagot para sa pagkalugi. Hindi kami mananagot para sa kalidad, kaligtasan, legalidad, o anumang iba pang aspeto ng anumang mga produkto o serbisyo na binili gamit ang Card. Pananagutan mo ang mga pagkalugi na nagmumula sa matinding kapabayaan, o hindi pagtupad ng sapat na angkop na pagsusuri sa mga merchant kung saan nakikipagtransaksyon ka. Hindi rin kami mananagot sa mga sumusunod na pagkakataon:
- Kung wala kang sapat na pondong magagamit sa iyong Card para makumpleto ang transaksyon;
- Kung ang isang merchant ay tumangging tanggapin ang iyong Card;
- Kung ang isang ATM kung saan ka gumagawa ng cash withdrawal ay walang sapat na pera o nabigong magbigay ng pera;
- Kung ang isang elektronikong terminal kung saan ka gumagawa ng isang transaksyon ay hindi gumagana ng maayos;
- Kung na-block ang access sa iyong Card pagkatapos mong iulat na nawala o nanakaw ang iyong Card o nakompromiso ang iyong Wise Account;
- Kung mayroong hold sa iyong pondo o ang iyong mga pondo ay napapailalim sa legal o administratibong proseso o iba pang sagabal na naghihigpit sa kanilang paggamit;
- Kung ang hiniling na transaksyon ay hindi awtorisado gaya ng nakalagay sa Seksyon 8.1 ng Supplement na ito;
- Kung ang mga pangyayari na lampas sa aming kontrol (tulad ng sunog, baha, o computer o pagkabigo ng komunikasyon) ay humadlang sa pagkumpleto ng transaksyon, sa kabila ng makatwirang pag-iingat na aming ginawa; o
- Anumang iba pang eksepsyon na nakasaad sa aming Agreement sa iyo.
6.11 Walang Warranty sa mga Naaangkop na mga Kalakal o Serbisyo. Ang Wise ay walang pananagutan para sa kalidad, kaligtasan, legalidad, o anumang iba pang aspeto ng anumang mga produkto o serbisyo na binili mo gamit ang iyong Card. Ang anumang mga hindi pagkakaunawaan o isyu sa anumang mga produkto o serbisyo na binili mo gamit ang iyong Card ay dapat na i-address sa mga merchant o indibidwal kung saan mo binili ang mga produkto at serbisyo.
6.12 Pagbabalik at Refunds. Kung ikaw ay may karapatan sa isang refund para sa anumang dahilan para sa mga kalakal o serbisyo na nabili gamit ang iyong Card, sumasang-ayon kang tumanggap ng mga kredito sa iyong Wise Account para sa mga naturang refund at sumasang-ayon ka sa patakaran ukol sa refund ng merchant na iyon. Ang mga refund ng Merchant ay ibibigay sa Wise para sa pag-kredito sa iyong Wise Account kapag natanggap ang mga ito mula sa Merchant. Ang Wise ay walang kontrol sa kapag ang isang merchant ay nagpadala ng isang refund na transaksyon; maaaring magkaroon ng pagkaantala sa pagitan ng petsa ng transaksyon ng refund at ang petsa ng pag-kredito ng halaga ng refund sa iyong Wise Account, at ang mga refund mula sa mga merchant ay maaaring nasa parehong halaga o mas mababa kaysa sa halaga ng katumbas na debit. Pakitingnan ang FAQ na ito para sa higit pang impormasyon sa tinantyang oras ng turnaround para sa mga refund na ipinadala sa iyong Card ng mga merchant.
6.13 Maaari kang magsumite ng kahilingan na bawiin ang isang transaksyon sa Card sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubiling itinakda sa aming Help Center. Kung kailangan naming mag-imbestiga o gumawa ng anumang aksyon na may kaugnayan sa chargeback na dulot ng o nauugnay sa iyo, maaari ka naming singilin ng hanggang GBP 15 (o ang katumbas na halaga sa naaangkop na currency) bilang isang administrative fee at maaari naming ibawas ang halagang ito mula sa ang iyong Wise Account.
6.14 Pagsuspinde or Pagkansela sa Account. Maaari naming isara o suspindihin ang iyong Wise Account anumang oras (tingnan ang Customer Agreement) at maaari naming suspindihin o kanselahin ang iyong Card, kabilang ang kung ang aktibidad sa iyong Card ay mukhang kahina-hinala, mapanlinlang o naniniwala kaming nauugnay ito sa aktibidad ng criminal o aktibidad na hindi naaayon sa Supplement na ito. Ang hindi pangkaraniwan o maramihang pagbili ay maaaring mag-prompt ng isang pagtatanong sa merchant o pagsususpinde ng Card na kinakailangan upang bigyang-daan kami na siyasatin ang naturang aktibidad. Nirereserba namin ang karapatan, base sa aming sariling diskresyon, na limitahan ang iyong paggamit ng Card. Maaari kaming tumanggi na mag-isyu o magpalit ng Card o maaaring bawiin ang mga pribilehiyo ng Card, maliban sa iniaatas ng batas. Sumasang-ayon ka na huwag gumamit o payagan ang iba na gumamit ng nag-expire, binawi, kinansela, nasuspinde o kung hindi man ay di-wastong Card. Hindi kami magkakaroon ng pananagutan sa iyo dahil sa hindi pagkakaroon ng mga pondo na maaaring nauugnay sa iyong Card o Wise Account.
6.15 Hindi makatarungan pagpayaman. Kung sakaling mapansin mo na may mali kang nataganggap na refund o ito ay natanggap mo ng maraming beses para sa isang transaksyon, mula sa Wise at sa merchant, kailangan mong ipaalam kaagad sa amin, at nilalaan naming ang aming Karapatan, nang walang paunang abiso, na i-debit pabalik ang isang naunang ibinigay na refund kapag ang refund para sa parehong transaksyon ay naibigay na ng merchant.
16.6 Mga pinagtatalunang transaksyon. Kapag may mga transaksyon sa Card na pinagtatalunan, maaari kaming magpasya na huwag magpatuloy sa mga chargeback base sa aming sariling diskresyon, nababatay sa anumang mga pagtatakda sa ilalim ng naaangkop na batas. Maaaring kabilang sa mga dahilan nito ang:
- (a) Hindi nakakatanggap ng sapat na impormasyon upang matukoy na may naganap na error.
- (b) Hindi nakatanggap ng abiso tungkol sa error sa pagbabayad sa napapanahong paraan.
- (c) Ang mga hindi pagkakaunawaan ay sanhi ng mapanganib na katangian ng mga transaksyong isinagawa gamit ang Card.
- (d) Mayroon kaming katibayan na ikaw o isang taong binigyan mo ng iyong Card, ay pinahintulutan ang mga transaksyong pinagtatalunan.
16.7 Pagbabago ng Address o Pangalan. Kinakatawan mo, ginagarantiyahan at ipinapangako mo sa amin na ang lahat ng impormasyong ibibigay mo sa proseso ng pag-signup para sa isang Card at/o iyong Wise Account, o anumang oras kasunod noon ay dapat kumpleto, tumpak at totoo. Responsibilidad mong panatilihing napapanahon ang iyong mailing address, email address, telephone number, at iba pang impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa iyong Wise Account. Upang gumawa ng mga pagbabago sa iyong profile, mag-login dito at pagkatapos ay pumunta sa iyong account page.
7. Transaksyon
7.1 Pinapahintulutan mo ang bawat Transaksyon. Sumasang-ayon ka na ang anumang paggamit ng iyong Card, numero ng card o PIN ay bumubuo ng iyong awtorisasyon at pahintulot sa isang transaksyon.
7.2 Ang iyong Card ay para sa iyong personal na paggamit. Alinsunod sa seksyon 7.3 (kung naaangkop), ipinangako mong hindi pahintulutan ang iba na gamitin ang iyong pagkakakilanlan o katayuan bilang user, at hindi mo maaaring italaga o ilipat ang iyong Card sa sinumang ibang tao o entity.
7.3 Kung mayroon kang business account at mayroong maraming cardholder sa loob ng parehong business account, ang anumang transaksyong pinahintulutan ng sinuman sa mga cardholder ay ituturing na epektibong pinahintulutan ng business.
7.4 Card transaction fees. Sumasang-ayon kang bayaran ang mga card transaction fees na itinakda sa Pricing page. Ang lahat ng mga Card transaction fees ay ibabawas mula sa iyong Wise Account at susuriin kung may natitirang pang pondo sa iyong Wise Account. Kung ang iyong natitirang mga pondo ay mas mababa kaysa sa mga Card transaction fees na tinasa, ang mga pondo sa iyong Wise Account ay ilalapat sa mga Card transaction fees na magreresulta sa sero na halaga sa iyong Wise Account, at maaaring tanggihan ang iyong Card. Ang natitira sa mga bayarin sa Card transaction fees na dapat bayaran ay kokolektahin sa susunod na magdagdag ka ng mga pondo sa iyong Wise Account.
8. Kapag nag-expire ang iyong Card
8.1 Ang iyong Card ay may petsa ng pag-expire. Magagamit mo lang ang iyong Card hanggang sa petsa ng pag-expire na ipapakita sa card at/o sa App.
8.2 Layunin naming ipaalam sa iyo sa dalawang (2) buwan bago mag-expire ang iyong kasalukuyang Card. Maaari kang mag-order ng bagong Card sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin sa aming FAQ page. Kakailanganin mong kumpirmahin ang address kung saan mo gustong ipadala ang card. Maaaring may ilapat na bayad sa kapalit na card (tingnan dito).
8.3 Kung ayaw mong ma-renew ang iyong Card, maaari mo lamang itong hayaang mag-expire nang hindi nag-order ng kapalit. Ide-deactivate ang iyong Card at hindi mo na ito magagamit pagkatapos ng pag-expire nito. Dapat mong sirain ang iyong nag-expire na Card. Anumang natitirang balanse sa iyong Wise Account ay mananatiling magagamit mo alinsunod sa mga tuntunin na nasa Customer Agreement.
9. Panatilihing Ligtas ang iyong Card
9.1 Panatilihing ligtas ang iyong Card. Huwag kailanman hayaang gamitin ng ibang tao ang iyong Card, at panatilihin itong ligtas. Isaulo ang iyong PIN at huwag kailanman ibunyag ito at ang iba pang impormasyon sa seguridad. Ang pagbabahagi ng mga detalyeng ito ay maaaring humantong sa hindi awtorisadong pag-access sa iyong account at ikaw ang tanging mananagot para sa mga transaksyong ginawa sa sitwasyong ito. Hindi mananagot si Wise para sa anumang pagkawala na dulot ng anumang naturang hindi awtorisadong mga transaksyon.
9.2 Panatilihing ligtas ang iyong Wise Account. Dapat mo ring sundin ang mga hakbang sa seguridad tulad ng itinakda sa seksyon 7 ng Customer Agreement patungkol sa iyong Wise Account.
9.3 Regular na suriin ang kasaysayan ng iyong transaksyon. Umaasa kami na regular mong suriin ang kasaysayan ng iyong transakyson sa Wise Account at makipag-ugnayan sa amin sa kaso ng hindi awtorisado, hindi tama, o maling mga transaksyon.
9.4 Ipagbigay-alam ang anumang kahina-hinalang insidente. Kung nawala o nanakaw ang iyong Card, kung pinaghihinalaan mo na may ibang nakakaalam ng iyong PIN, o kung sa tingin mo ay may maling paggamit sa iyong Card, numero ng card o PIN, sumasang-ayon ka na dapat mong ihinto ang paggamit ng Card, at agad na i-freeze o palitan ang Card ayon sa mga tagubilin sa aming FAQ page o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Customer Support. Kung nahanap mo ang Card pagkatapos mong iulat na nawala, ninakaw o naabuso ito, dapat mo itong putulin at sabihin sa amin sa lalong madaling panahon.
9.5 Ang Iyong Pananagutan para sa mga Hindi Pinahihintulutang Transaksyon sa Card. Responsibilidad mong pangalagaan ang iyong Card sa lahat ng oras laban sa pagkawala, pagnanakaw, panloloko o hindi awtorisadong paggamit.
Alinsunod sa mga tuntunin na maaaring naaangkop sa ilalim ng Agreement na ito at sa mga tuntunin at kundisyon ng Mastercard o Visa, anumang pakinabang, pagbili at transaksyon na ginawa o natamo bago ipagbigay-ulat ang naturang pagkawala o pagnanakaw ay iyong nag-iisang pananagutan. Bago matanggap ang naturang ulat, hayagang sumasang-ayon kang managot para sa lahat ng mga pagbili, cash advance, at mga bayad na ginawa o natamo mula sa paggamit ng nawala o ninakaw na Card kahit na ang nasabing mga transaksyon ay natamo nang hindi mo alam o awtoridad. Ang Wise at ang mga kasosyo nito na merchant ay hindi mananagot sa maski ano o lahat ng mga pananagutan, paghahabol, pinsala, at mga gastos na nagmumula sa madaya o hindi awtorisadong paggamit ng Card.
Sa ilalim ng Zero Liability Program ng MasterCard, hindi ka mananagot para sa anumang hindi awtorisadong transaksyon na ginawa sa tindahan, sa telepono, online, o sa pamamagitan ng mobile device at mga transaksyon sa ATM lamang kapag nagsagawa ka ng makatwirang pangangalaga sa pagprotekta sa Card mula sa panganib ng pagkawala o pagnanakaw, at, kapag nalaman mo ang naturang pagkawala o pagnanakaw, agad mong iniulat ang naturang pagkawala o pagnanakaw sa aming Customer Support.
Sa ilalim ng Visa Core Rules at Visa Product and Services Rules, wala kang pananagutan para sa isang transaksyon na hindi mo pinahintulutan kung hindi ka manloloko o nagpabaya sa paghawak ng iyong Card, at, nang malaman mo ang hindi awtorisadong transaksyon, agad mong inabisuhan ang aming Customer Support tungkol sa naturang transaksyon.
Ang mga tuntunin ng Mastercard at/o Visa ay maaaring magbago paminsan-minsan, nang walang abiso ngunit sila ay awtomatikong malalapat sa iyo.
Itinuring na awtorisado ang mga transaksyon kapag natugunan ang alinman sa isa o lahat ng sumusunod na kundisyon: a) lumalabas ang iyong pirma sa o nakadikit sa slip ng pagbebenta para sa mga transaksyon sa POS; b) matagumpay na naipasok ang password/authorization code para sa e-commerce, electronic at/o cellular phone-based na mga transaksyon; c) Ang SMS ay ipinadala mula sa iyong Mobile Phone; o d) kapag matagumpay mong naipasok ang iyong mga detalye ng pagbabayad (hal., card account number, expiration date, card verification code). Ito ay magiging sapat na katibayan na ang anuman at lahat ng aktibidad ay ginawa at napatunayan at hindi mo na ito maaring tutulan.
9.6 Pagpapalit ng card. Kung nawala o nanakaw ang iyong Card, o anumang ipinalit na card, maaari kang humingi ng kapalit na Card. Maaari kaming maningil ng fee para sa ipinalit na Card. Ang mga detalye ukol sa ipinalit ay matatagpuan dito.
9.7 Pagbubunyag ng impormasyon sa mga awtoridad na nagpapatupad ng batas. Kung ang iyong Card ay ginamit nang wala ang iyong pahintulot, o nawala, ninakaw o kung pinaghihinalaan mo na ang Card ay maaaring ginamit sa maling paraan, maaari naming ibunyag sa mga ahensyang nagpapatupad ng batas ang anumang impormasyon na pinaniniwalaan naming maaaring may kaugnayan.
10. Karapatan sa pagkansela
10.1 Pagkansela sa iyong Card. Maaari mong ipakiusap na kanselahin ang iyong Card anumang oras sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Customer Support. Maaari mong isara ang iyong Wise Account alinsunod sa Customer Agreement. Kung naaangkop, ang iyong bayad sa card at anumang bayad sa paghahatid nito ay hindi refundable.
10.2 May karapatan kaming kanselahin ang iyong Card. Tandaan na ayon sa anumang mga paghihigpit sa ilalim ng naaangkop na batas, inilalaan namin ang karapatang kanselahin o suspindihin ang iyong Card anumang oras at para sa anumang dahilan. Ang paggamit ng iyong Card ay napapailalim sa lahat ng naaangkop na mga patakaran at kaugalian ng anumang clearing house o iba pang asosasyon na kasangkot sa mga transaksyon.