Nakatipid ako sa Wise: Mark

Vinício Mancuso

Ang Wise ang pinakainternasyonal na account sa mundo, pero hindi mo kailangang manirahan sa ibang bansa para magamit nang husto ang Wise account. Sasabihin sa atin ng Pilipinong si Mark, na may napakaraming karanasan sa mga trabaho sa ibang bansa, kung paano niya ginagamit ang Wise account bilang ang pangunahing account niya at kung paano siya nakakatipid dito kapag tumatanggap at nagpapadala ng bayad sa iba't ibang panig ng mundo.


Kailangan ko laging isaayos ang mahigit sa isang currency sa buhay ko. Bago ko sinimulang gamitin ang Wise, sumubok ako ng mga platform na tulad ng PayPal, pero sa huli, imposibleng maiwasan ang matataas na bayarin at mababang rate ng palitan. Bago pa ang PayPal, ginamit ko ang lokal na bank account ko sa Singapore para magpadala ng pera sa pamilya ko sa Pilipinas, ang pinagmulan kong bansa, at nagulat ako sa sobrang taas din ng mga singilin.

Sa Singapore, nagtrabaho ako bilang head ng customer service sa Changi airport, personal kong tinutulungan ang mga pasahero sa lahat ng uri ng alalahanin nila at itinuturo sa kanila ang bawat hakbang ng pagdaan sa airport.

Alam nating puwedeng maging nakaka-stress na lugar ang airport, kaya talagang nagsusumikap kaming gawin itong hindi nakaka-stress, kundi nakaka-enjoy na karanasan pa nga, na dapat lang sa bawat serbisyo. Madalas na nakukuha ng Changi ang titulong Best Airport taon-taon dahil sa kaisipang nakatuon sa customer.

Mula nang matuklasan ko ang Wise dahil sa rekomendasyon ng mga kaibigan ko, naging maginhawa at madaling mag-manage ng pera sa halip na nakaka-stress. Kasama na rito ang customer service, pero pati na rin ang kaligtasan at bilis na iniaalok ng platform, maliban sa mga patas na bayarin at totoong market rate na inilalapat sa mga pagpapadala ko.

Ngayong nagtatrabaho na ako bilang freelancer sa Pilipinas, mayroon ito ng lahat ng feature na kakailanganin ko. Ito ang kasalukuyan kong parent Account, kung saan puwede kong i-redirect ang kita mula sa mga work platform, pati na ang kita mula sa ibang bansa na puwede kong matanggap sa ibang currency. Kahit na nakabalik na ako sa aking bansa, kailangan ko pa ring magbayad ng mga buwis sa Singapore, kaya pinapadali ng Wise ang gawaing ito para sa akin. Ito ang pangunahing ginagamit ko para sa pinansyal na structure ko.

Kung kailangan kong magpadala ng pera sa USD o SGD, puwede kong panatilihing may laman at handa ang balanse ko para makapaglipat kung kinakailangan. May paraan ng pagbabayad sa Singapore (PayNow) kung saan hindi mo na kailangang gumamit ng anumang detalye mula sa isang account number, kundi gamit lang ang mga phone number, at pinapayagan din iyan ng Wise.

Bumibili na ako sa ibang bansa gamit ang Wise Debit Card ko, at ang talagang madali para sa akin ay ang pag-freeze o pamamahala nito sa paraang gusto ko, kaya mas ligtas ang aking mga transaksyon at naiiwasan ang mga kahina-hinalang aktibidad sa aking account.

Lagi kong sinasabi sa mga kaibigan kong Pilipino na nangingibang bansa na ang pagtitipid ay hindi lang pang-isang araw. Dapat lagi mo itong iniisip at kailangang magsimula nang maaga para may aanihin para sa kinabukasan ng pamilya mo. Buwan-buwan, nakakatipid ako nang hanggang 600 USD sa Wise, sa lahat ng paraan ng paggamit ko nito.

Nakabalik na ako sa Pilipinas ngayon dahil na-realize ko ring puwede na akong kumita kahit saan ngayon, gamit ang teknolohiya at structure para kontrolin ang pinansyal ko nang madali. Pero ang pangunahing dahilan ko ay alam ko na ngayong walang makakapantay sa pagiging malapit sa ating mga pamilya. Naisip ko iyan pagkatapos kong manatili sa ibang bansa sa panahon ng krisis ng pandemiya.


Ayon sa sinabi kay Vinício Mancuso. Larawan mula kay Kimberly dela Cruz, at na-edit ni Stephanie Stoddard Cortés.


*Please see terms of use and product availability for your region or visit Wise fees and pricing for the most up to date pricing and fee information.

This publication is provided for general information purposes and does not constitute legal, tax or other professional advice from Wise Payments Limited or its subsidiaries and its affiliates, and it is not intended as a substitute for obtaining advice from a financial advisor or any other professional.

We make no representations, warranties or guarantees, whether expressed or implied, that the content in the publication is accurate, complete or up to date.

Money without borders

Find out more

Tips, news and updates for your location