Inilalarawan ng Notice ng Privacy ng Facial Scan ng Wise na ito kung paano pinamamahalaan ng Wise, o ng provider nito ng serbisyo sa pag-verify ng ID sa ngalan ng Wise, ang data ng facial scan ng mga Customer nito. Mananaig ang mga tuntunin ng Notice ng Privacy ng Facial Scan ng Wise na ito kung sakaling magkaroon ng salungatan sa ibang mga tuntunin o notice na ibinigay sa iyo.
Sa ilang mga hurisdiksyon, bilang bahagi ng aming proseso ng pag-verify ng pagkakakilanlan at onboarding at para sa mga layunin ng paghadlang sa panloloko habang isa kang customer, pinoproseso ang biometric data, ibig sabihin ay ang impormasyon ng face scan na nakuha mula sa mga litrato o video. Ginagamit ang impormasyon ng face scan para ikumpara ang iyong selfie, o larawan ng mukhang nakuha mula sa isang video, sa iyong litrato na nasa dokumento ng pagkakakilanlan
Ginagawa namin ang pagprosesong ito nang may pahintulot mo, na hihilingin kapag nag-sign up ka sa aming mga serbisyo o bago ang koleksyon ng biometric data bilang bahagi ng aming mga serbisyo. Kung hindi ka papayag, sa ilang sitwasyon, puwede kaming mag-alok ng alternatibong mga paraan para i-verify ang iyong pagkakakilanlan na walang sangkot na pangongolekta, pagpoproseso o pag-store ng biometric data. Gayunpaman, posibleng mas matagal ang alternatibong paraan na ito kaysa sa automated na proseso.
Ginagawa ang pangongolekta, pagpoproseso at pag-store ng biometric data:
- nang direkta sa pamamagitan ng Wise, na sa ganitong situwasyon, mananatili lang sa internal na server namin o sa cloud ang iyong biometric data; o
- sa pamamagitan ng provider ng serbisyo sa pag-verify ng ID, tulad ng Jumio at Onfido, sa ngalan ng Wise. Sa huling sitwasyon na ito, kapag nagpapahintulot sa biometric check, kinukumpirma mong nabasa mo na, nauunawaan at tinatanggap ang
Hindi ibinabahagi, ipinapakalat o kaya naman ay ibinubunyag ng Wise at ng aming mga provider ng serbisyo sa pag-verify ng ID (kabilang ang Jumio, Onfido at ang kanilang sariling mga provider ng serbisyo) ang iyong biometric data sa sinupamang third party, malibang kailanganin ng naaangkop na mga batas o alinsunod sa valid na warrant o subpoena.
Tuluyang sisirain ang iyong biometric data kapag hindi na ito kailangan. Sumusunod kami sa lahat ng nauugnay na mga legal na kinakailangan para sa pagpapanatili ng biometric data. Karaniwan na, pananatilihin ang biometric data sa loob ng maximum na 1 taon, gayunpaman, sa karamihan ng mga sitwasyon, ide-delete ito nang mas maaga.
Hinding-hindi ibebenta, iparerenta, ipagpapalit, o kaya naman ay pagkakakitaan ng Wise at ng aming mga provider ng serbisyo sa pag-verify ng ID ang biometric data.
Kung mayroon kang anumang tanong, komento o kahilingan may kinalaman sa Notice na ito, palagi mong makokontak ang aming privacy team sa privacy@wise.com.