Skip to main content

Privacy Policy

Huling na-update: 19 August 2022

Numero ng bersyon: 1.5

Ang Privacy Policy (“Policy” or “Dokumento”) na ito ay nagsasaad kung paano nililikom, ginagamit at pinoproseso and iyong mga personal na impormasyon sa tuwing ginagamit mo ang aming website https://wise.com (“Website”), website application (“Web App”), mobile app (“App”) at e-mail na aming pinapadala sainyo, (pangkalahatan tatawaging “Mga Serbisyo”). Nakasaad din dito kung may mga bahagi na naaangkop lamang sa kung alin sa mga serbisyong aming inaalok.

Marapatin lamang na basahin ng maigi ang mga nilalaman ng Policy. Itong Policy ay legal na may bisa at magbubuklod sa mga Partido sa tuwing gagamitin ang mga Serbisyong aming inaalok. Para sa buong kahulugan ng mga salita, maaaring itong hanapin sa aming Customer Agreement. Makakaasa kayong aming pinapahalagahan ang proteksyon ng inyong pribado at personal na impormasyon. Makakaasa rin kayo na nakatuon ang aming pansin sa maayos at sa tamang paghawak ng mga personal na impormasyon ng aming customers, suppliers at mga katrabaho at sa paraang naaayon sa mga batas, patakaran at mga alituntunin ng mga bansa kung saan kami ay may presensya.

Sa iyong pagpapatuloy sa pakikipag-ugnayan sa amin, gaya ng pagpasa ng mga impormasyon, pagtangkilik sa aming mga Serbisyo, ikaw ay sumasang-ayon na iyong naintindihan at pumapayag sa paglikom, paggamit, pagsiwalat at pagproseso ng iyong personal na impormasyon (or personal na impormasyon ng taong iyong ibinigay), sa paraang naaayon sa Privacy Policy na ito.


1. Personal Information Controller

2. Mga Impormasyong aming Nililikom patungkol sayo

3. Pagprotekta sa personal na impormasyon

4. Paggamit sa mga personal na impormasyon

5. Disclosure ng mga personal na impormasyon

6. Pagbahagi at pananatili ng personal na impormasyon

7. Profiling at Automated Decision Making

8. Cookies

9. Data Retention

10. Mga Karapatan

11. Third-party links

12. Pagbabago sa Privacy Policy

13. Contact


1. Personal Information Controller

Ang Personal Information Controller para sa pagkolekta, pagproseso at paggamit ng iyong mga personal na impormasyon ay ang Wise Pilipinas Inc. (“Wise”, “Tayo”, “Kami”, “Atin”) na matatagpuan sa WeWork 30th Floor, Yuchengco Tower, RCBC Plaza, 6819 Ayala Ave., Bel-Air, Makati City 1226. Para sa mga katanungan patungkol sa pagprotekta at paggamit ng iyong impormasyon, maaring makipag-ugnayan sa privacy@wise.com.

2. Mga Impormasyong aming Nililikom patungkol sayo

Ang Personal data o personal na impormasyon ay ang mga impormasyon tungkol sa isang indibidwal, ngunit hindi kasama dito ang mga impormasyon na hindi mag-uugnay sa nasabing indibidwal. Ang paraan ng aming paglikom at pagproseson ng iyong personal na impormasyon ay ang mga sumusunod:

  • 2.1 Impormasyon mula sa iyo.
    • May mga personal na impormasyon na maaring magmula sa iyo sa tuwing gagamitin o habang ginagamit mo ang aming mga Serbisyo tulad ng iyong pangalan at e-mail address, makikilahok sa talakayan sa aming Website or App, makikilahok sa mga kompetisyon, promosyon o survey at pag-ulat ng mga prolema patungkol sa aming mga Serbisyo. Ang mga karagdagang impormasyon na iong ibibigay ay maaaring tumukoy sa iyong tirahan, numero ng iyong telepono, impormasyong nauukol sa pananalapi (kasama ang credit card, debit card o bank account), dahilan ng pagbayad, lokasyon, numero ng social security, personal na paglalarawan at larawan.
    • Ang nilalaman ng iyong komunikasyon sa amin na aming nililikom sa pamamagitan ng telepono, online chat, email, direktang pakikipag-ugnayan at iba pang paraan.
    • Sa ilang kaso, kasama ang pagpapadala or pagtanggap ng mataas na halaga or bilang ng transaksyon, o para sa pagsunod sa mga alituntunin patungkol sa Anti- Money Laundering, maaari kaming humingi ng karagdagang pagkakakilanlan o komersyal na impormasyon, kasama na ang paghingi ng kopya ng pinakabagong audited accounts o bank account statement. -Sa iyong pagbibigay ng personal na impormasyon patungkol sa ibang indibidwal maliban sa iyong sarili, kasama na ang payment beneficiaries, mga kaibigan, mga director at may-ari ng isang kumpanya, o contact list, kinukumpirma mo na ikaw ay binigyan ng pahintulot ng nasabing indibidwal na magbigay ng personal na impormasyon sa amin at sa aming paglikom, paggamit at paglahad ng nasabing personal na impormasyon, para sa mga layunin ng Policy na ito.
    • Maaari lamang na siguraduhin na kasalukuyan, kumpleto at tama ang personal na impormasyon na binibigay sa pamamagitan ng pag-update ng iyong account kapag kailangan.
  • 2.2 Impormasyon na aming nililikom. Kaugnay sa iyong paggamit ng aming mga Serbisyo, maaari naming kusang ilikom ang mga sumusunod na impormasyon:
    • Mga detalye tungkol sa iyong mga transaksyon kapag ginagamit mo ang aming mga Serbisyo, kasama ang lokasyon kung saan nagmula ang transaksyon;
    • Impormasyong teknikal, kasama ang internet protocol (IP) address na ginamit para kumonekta sa internet, log-in information, uri ng browser at bersyon nito, time zone setting, uri ng browser plug-in at mga bersyon nito, operating system at platform;
    • mpormasyon patungkol sa iyong pagbisita sa website, kasama ang buong Uniform Resource Locators (URL), mga produktong iyong hinanap at tiningnan; page response times, download errors, length of visits to certain pages, page interaction information (kasama ang scrolling, clicks, and mouse-overs), at mga paraang ginamit upang umalis mula sa page at anumang numero ng telepono na ginamit sa pagtawag sa aming Customer Support; and
    • Impormasyon tungkol sa inyong marketing at communication preferences.
  • 2.3 Mga impormasyong nakuha mula sa ibang sources. Maaari kaming makatanggap ng detalye tungkol sayo kapag ikaw ay gumamit ng ibang websites kung saan kami ang namamalakad o ng ibang mga serbisyong kami ang nagbibigay. Kami rin ay nakikipagtrabaho sa iba’t ibang tao at maaaring makatanggap ng impormasyon tungkol sayo na galing sa kanila. Kasama dito ang mga sumusunod:
    • mga bangko na ginagamit mo upang maglipat ng pera pambayad sa amin ay magbibigay ng iyong mga personal na impormasyon tulad ng iyong pangalan, address pati na rin mga detalye tungkol sa iyong pinansyal na impormasyon at bank account;
    • mga kasaping establisyamento na magbibigay ng iyong pangalan at address, pati na rin pinansyal na impormasyon tulad ng tungkol sa iyong credit card;
    • mga advertising networks, analytics providers at search information providers na maaaring magbigay ng pseuodnymised information tungkol sayo kasama na kung papaano mo natuklasan ang aming website;
    • maaari naming suriin sa tulong ng mga credit reference agencies ang katotohanan ng mga impormasyong iyong binigay para kumpirmahin ang iyong pagkakakilanlan;
    • fraud prevention agencies na maaaring magbigay ng impormasyon na makakatulong sa amin upang labanan ang mga pangloloko.
  • 2.4 Impormasyong galing sa mga social networks. Kapag ikaw ay gumamit ng aming mga Serbisyo sa pamamagitan ng iyong social network account (tulad ng Facebook o Google), makakatanggap kami ng mga impormasyon na kailangan namin para paganahin ang aming mga Serbisyo at suriin ang iyong access. Ang social network ay magbibigay sa amin ng access sa iyong piling impormasyon na ibinigay mo sa kanila tulad ng iyong pangalan, profile image at email address na naaayon sa privacy policy ng nasabing social network. Gagamitin naming ang mga impormasyon na ito kasama ng iba pang impormasyon na ibinigay mo samin noong ikaw ay nag-register o gumamit ng aming mga Serbisyo, upang gumawa ng iyong account at para makipagusap sa iyo tungkol sa impormasyon, mga produktong at serbisyong hinihiling sa amin. Maaari mong hilingin na kami ay magkaroon ng access sa iyong mga contacts sa iyong social network account.
  • 2.5 Mga sensitibong data. Bilang parte ng aming proseso ng pagsusuri ng iyong pagkakakilanlan, kami ay lumilikom, gumagamit at nagtatago ng biometric data tulad ng face scan information na nakukuha sa iyong mga larawan [at videos] upang ihambing sa iyong mga identity documents at selfie upang patunayan ang iyong pagkakakilanlan at para sa anti-fraud checks at para mapabuti ang mga nasabing proseso. Hinihingi naming ang iyong pahintulot para sa paglikom, paggamit at pagtatago ng iyong biometric data habang nasa proseso ng pagsusuri sa iyong pagkakakilanlan. Kung hindi ka pumapayag, mayroong ibang paraan para mapatunayan ang iyong pagkakakilanlan, ngunit ito ay maaaring magdulot ng mas mahabang proseso. Hindi namin ibibigay sa kahit sinuman ang iyong biometric data, bukod sa aming mga identity verification provider, kung kailangan ayon sa mga batas, at alituntunin o alinsunod sa utos ng mga korte. Hindi namin ibebenta, ipapahiram o papakinabangan ang iyong biometric data. Aming papanatilihin ang iyong biometric data hanggang sa matapos ang aming identity verification process, ngunit hindi lalagpas sa isang taon mula ng ito ay nalikom, maliban na lamang kung kinakailangan ayon sa batas at legal na proseso. Tingnan ang Section 3 para sa mga karagdagang detalye ukol sa proseso ng aming pagprotekta ng iyong personal na impormasyon. Aming sinusubaybayan ang iyong login at paggamit ng aming website or app para mapatunayan ang iyong pagkakakilanlan at bilang suporta sa pagtuklas ng mga mapangloko o kahina- hinalang tangka upang gamitin ang iyong Wise Account.
  • 2.6 Impormasyon tungkol sa mga bata. Ang aming mga produkto at serbisyo ay nakatuon lamang sa mga taong edad 18 taong gulang at pataas, at hindi naaayon para sa mga bata. Hindi kami naglilikom ng mga impormasyon mula nasabing pangkat ng edad. Anumang impormasyon na nalikom mula sa isang bata bago malaman ang totoong edad ay tatanggalin.

3. Pagprotekta sa personal na impormasyon

  • **3.1 Aming lubos na sineseryoso ang pagprotekta sa iyong impormasyon. Ang paglipat ng iyong impormasyon sa pamamagitan ng internet ay hindi lubos na ligtas. Kahit na ginagawa namin sa abot ng aming makakaya na protektahan ang iyong personal na impormasyon, hindi naming masisiguro ang kaligtagasn ng iyong impormasyon habang ito ay nasa proseso ng paglipat, at anumang paglipat ay iyong pananagutan. Kapag natanggap na naming ang impormasyon, gumagamit kami ng striktong paraan at security features para siguraduhin na ito ay manatiling ligtas, tulad ng:
    • Ang komunikasyon sa internet sa pagitan mo at ng Wise systems ay encrypted gamit ang malakas na asymmetric encryption. Pinapahirapan nito na maintindihan ang sinumang maaaring nakikinig dito;
    • Aming pinapanatiling updated ang mga servers;
    • Nagsasagawa kami ng Responsible Disclosure at bug bounty program para matuklasan ang anumang security issues sa Wise services;
    • Ang aming technical security team ay laging nakasubabay para sa kahina-hinalang gawain sa aming servers at serbisyo;
    • Ang aming mga staff at sinumang gumagawa ng trabaho sa ngalan naming ay kailangang sumunod sa nararapat na compliance standards (kasama ang mga obligasyon na protektahan ang anumang impormasyon at gumamit ng mga angkop na hakbang para sa paggamit at paglipat ng mga impormasyon;
    • Kapag ang impormasyon binigay sa amin ay hindi ginagamit, ito ay encrypted at rest. Ito ay hindi maiintindihan kung walang decryption key.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa aming security page.

  • 3.2 Kami ang regular na sinusuri para siguraduhing kami ay sumusunod sa aming mga security certifications, tulad ng SOC 2 at PCI-DSS. Bahagi ng mga pagsusuring ito, ang aming security ay sinusuri ng external auditors.
  • 3.3 Aming nililimitahan ang access sa iyong personal na impormasyon ng mga empleyado ng Wise at third-party service providers kung sila ay may angkop na dahilan para malaman ito. Lahat ng empleyado ng Wise na may access sa iyong personal na impormasyon ay kinakailangang sumunod sa Policy habang ang mga third-party service provider ay pinapakiusapan na siguraduhin na may sapat na safeguards na ipinapatupad. Dagdag dito, may mga kontrata sa nasabing third-party service provider na nagsisilbing data processors para Wise na may access sa iyong personal na data, na siguraduhing sumusunod sa antas ng seguridad na ipinapatupad sa iyong jurisdiction at ang iyong personal data ay pinoproseso lamang ayon sa utos ng Wise.
  • 3.4 Patuloy naming tinuturuan at sinasanay ang aming mga empleyado sa kahalagahan ng confidentiality at privacy ng mga personal na impormasyon ng aming mga customer. Pinapanatili naming ang pisikal, teknikal at pang-organisasyong kaligtasan na sumusunod sa umiiral na batas at alituntunin para protektahan ang iyong personal na impormasyon mula sa hindi awtorisadong access.

4. Mga Paraan kung paano ginagamit ang iyong impormasyon

  • 4.1 Mga dahilan ng paggamit ng iyong personal na data: Ang mga paraan kung paano naming gagamitin ang iyong personal na data ay ang mga sumusunod:
    • Para gawin ang aming mga obligasyon ayon sa iyong kontrata sa amin sa pagbibigay ng aming mga Serbisyo;
    • Para bigyan ka ng impormasyon, mga produkto at serbisyo;
    • Para sumunod sa mga kinakailangan ng naaangkop na batas at regulasyon, tulad ng pagtugon sa mga requests mula sa publiko at mga awtoridad ng gobyerno sa iyong bansa at ibang bansa sa demonstrasyon ayos sa legal na awtoridad;
    • Para iwasan at matuklasan ang mga krimen, kasama na ang panloloko at financial crime;
    • Para ipaalam sa iyo ang mga pagbabago sa aming mga Serbisyo at magpadala ng mga administrative information;
    • Bilang parte ng aming pagsisikap na panatilihing ligtas ang aming mga Serbisyo;
    • Para mabigay ang aming mga Serbisyo at para sa internal operational, planning, audit, troubleshooting, data analysis, testing, research, statistical at survey na aming ginagawa;
    • Para magsagawa ng system o product development, mas mapabuti ang aming mga Serbisyo at siguraduhing ito ay nabibigay sa pinaka-ebektibong paraan
    • Para payagan ang ibang customer ng Wise na mag-request o magpadala ng pera s aiyo gamit ang aming mga serbisyo sa tuwing nagbibigay ng impormasyon na tumutugma sa iyong phone number o e-mail address;
    • Para sukatin o maintindihan kung gaano ka- epektibo ang advertising na aming binibigay at makapagbigay ng advertising na naaayon sa iyo;
    • Para payagan ka na makilahok sa mga interactive features ng aming mga Serbisyo, kung ito ay iyong ninanais;
    • Para bigyan ka ng mga impormasyon na may pahintulot mo, tungkol sa mga katulad na produkto at serbisyong aming binibigay,
    • Para mabigyan ka o payagan ang mga napiling third parties na bigyan ka ng impormasyon na may pahintulot mo tungkol sa mga produkto at serbisyong tingin namin ay iyong magugustuhan;
    • Para magsagawa ng mga hakbang upang mabawi ang mga halagang inutang sa amin at para payagan kaming gumamit ng mga remedy o malimitahan ang mga damages na maaari naming matamo;
    • Para ipatupad ang aming Customer Agreement; at
    • Sa mga bihirang okasyon, para matulungan kaming protektahan ang aming mga customers, empleyado at ibang indibidwal sa pamamagitan ng pagbibigay alam sa mga emergency services.

5. Disclosure ng iyong personal na impormasyon

  • 5.1 Maaari naming ibahagi ang iyong personal na impormasyon sa mga third party tulad ng:
    • affiliates, business partners, suppliers at subcontractors para sa pagtupad at pagsagawa ng anumang kontrata namin sa kanila o sa iyo at matulungang mas mapabuti ang mga serbisyo nila sa amin;
    • advertisers at advertising networks para sa pagpili at pagbigay ng kaugnay na mga patalastas sa iyo at sa iba pa, na may pahintulot mo;
    • analytics at search engine providers na tumutulong sa amin na mas mapaganda ang aming site;
    • Sa aming mga group entities at subsidiaries; at
    • Mga piling impormasyon na ipapadala sa mga tatanggap ng bayad kapag magsisimula ng payment transaction.
  • 5.2 Maaari naming i-disclose ang iyong personal na impormasyon sa mga third parties:
    • katulad ng affiliates, business partners, suppliers at subcontractors para sa pagtupad at pagsagawa ng anumang kontrata namin sa kanila o sa iyo;
    • Sa pagkakataong ibebenta naming ang alin man sa aming mga Negosyo o ari-arian or makipag-combine sa iba pang organisasyon kung saan maaari naming ibahagi ang iyong personal na impormasyon sa prospective buyer ng nasabing Negosyo o ari-arian o prospective organization na maaring i-combine ang aming Negosyo o ari-arian;
    • kung kami ay may kaukulang tungkulin na ibahagi ang iyong personal na impormasyon para sumunod sa anumang obligasyong legal o para ipatupad ang aming Customer Agreement at iba pang kasunduan; o para protektahan ang mga karapatan, ari-arian, o kaligtasan ng Wise, aming mga customer, empleyado o kung sino man. Kasama rito ang pakikipagpalitan ng impormasyon sa iba pang kumpanya at organisasyon para maprotektahan mula sa pangloloko at credit risk reduction;
    • Para tulungan kami sa pagsasagawa o pakikipagkaisa sa mga imbestigasyon ng pangloloko at iba pang gawin na iligal na sa aming palagay ay makatwiran at nararapat na gawin;
    • Para maiwasan at matuklasan ang pangloloko o krimen;
    • Bilang tugon sa subpoena, warrant, utos ng korte, properly constituted police request o kung saan kinakailangan ayon sa batas;
    • Para pag-aralan ang financial at insurance risks;
    • Para maibalik ang utang o ayon sa iyong insolveny, o para payagan ang taong nagpadala ng pera o ang financial institution na nagpadala ng pera para maibalik ang perang iyong natanggap na hindi dapat; at
    • Para makabuo ng relasyon sa aming customers, mga serbisyo at mga sistema.
  • 5.3 Wala kaming listahan ng lahat ng third parties na nakakatanggap ng iyong data bilang ito ay nakadepende sa iyong paggamit ng aming mga Serbisyo. Subalit, kung ikaw ay nangangailangan ng karagdagang impormasyon tungkol sa kung sino ang mga nabahagian ng iyong data, o para mabigyan ng listahan na partikular sa iyo, maaari kang sumulat sa privacy@wise.com.

6. Pagbahagi at pananatili ng personal na impormasyon

  • 6.1 Maaari naming ipadala o itago ang iyong data sa mga bansa sa labas ng Philippines para isagawa ang aming mga Serbisyo. Kasama rito ang pagproseso ng staff o third party service providers na nagsasagawa ng mga gawain tulad ng pagtupad ng iyong payment order, pagproseso ng iyong mga detalye ng pagbayad at pagbigay ng support services. Kami ay magsasagawa ng mga hakbang na kinakailangan upang masiguro na ang iyong data ay napoprotektahan at naaayon sa Policy na ito. Sisiguraduhin din naming na may mga akmang pangangalaga na ipinapatupad.

7. Profiling at Automated Decision Making

  • 7.1 Maaari naming gamiting ang mga element ng iyong data upang i-customize ang aming Serbisyo at impormasyong ibinabahagi sa iyo, at para masagot ang iyong mga pangangailangan, tulad ng iyong bansa ng paninirahan at transaction history. Bilang halimbawa, kung ikaw ay madalas na nagpapadala ng pera gamit ang isang particular na currency sa ibang tao, maaari naming gamitin ang impormasyon na ito upang ipaaalam sayo ang mga bago sa aming mga produkto o features na maaaring makatulong sa iyo. Kapag ito ay aming ginagawa, gumagamit kami ng lahat ng nararapat na hakbang upang siguraduin na ang iyong privacy at seguridad ay protektado – at gumagamit kami ng pseudonmised data kung saan kinakailangan. Ang ganitong Gawain ay walang legal na epekto sayo.
  • 7.2 Gumagait kami ng mga automated na proseso para suriin kung tugma sa ipinapatupad na pamantayan ang iyong aplikasyon para sa isang account sa Wise, tulad ng pagpapatunay sa iyong katauhan, at para tumulong sa pagpigil sa pangloloko o ibang gawaing iligal. Ang mga prosesong ito ay maaaring magsagawa ng automated decision upang tanggihan ang iyong aplikasyon o ninanais na transaksyon, para harangin ang kahina-hinalang tangka para mag-login sa iyong Wise account, o para isara ang iyong account. Kung ito ay mangyari, ipapaalam ito sa iyo at bibigyan ka ng pagkakataon na magbigay ng karagdagang impormasyon at tutulan ang desisyon sa pamamagitan ng pag-apela, kasama ang manual review.

8. Cookies

  • 8.1 Gumagamit kami ng small files (kilala bilang cookies) para kilalanin ka at ibukod sa ibang users, para malaman kung paano ka gumagamit ng aming site at mga produkto habang binibigyan ka ng pinakamagandang serbisyo at para mapaganda ang aming mga serbisyo. Para sa karagdagang detalye tungkol sa cookies at iba pang teknolohiyang aming ginagamit at ang mga layunin ng aming paggamit, pakitingnan ang aming Cookie Policy.

9. Data Retention

  • 9.1 Aming papanatilihin ang iyong personal na impormasyon hanggang sa ito ay kailangan ayon sa layunin ng paglikom nito. Bilang isang regulated financial institution, kinakailangan ayon sa batas na panatilihin ni Wise ang iyong mga personal at transaksyonal na data kahit pagkatapos ng pagsasara ng iyong account. Aming titignan ang iyong data kapag kailangan lamang at aming ipoproseso ang nasabing data kung ito ay lubos na kinakailangan.

  • 9.2 Lagi naming tatanggalin ang data na hindi na kinakailagan panatilihin ayon sa batas o lugar kung saan kami ay nag-ooperate. Ito ay awtomatiko upang hindi mo na kailangang lumapit sa amin para burahin ang iyong data.

  • 9.3 Alamin ang iba pang impormasyon tungkol sa aming retention periods para sa iyong data.

10. Ang iyong mga Karapatan

  • 10.1 Ikaw ay may mga karapatan, na naaayon sa mga naaangkop na batas, tungkol sa mga impormasyong nasa amin. Ang iyong mga Karapatan ay maaaring gamitin ayon sa mga naaangkop na batas tungkol sa data protection. Kung ikaw ay may mga tanong tungkol sa paggamit ng iyong personal na impormasyon, maaari kang makipag-ugnayan sa amin. Ang iyong mga karapatan ay mga sumusunod:
    • Mag-request ng kopya ng iyong personal data at suriin na ito ay aming pinoproseso ayon sa batas;
    • Mag-request ng pagwawasto ng iyong personal data na nasa amin. Maaari naming i-verify ang katotohanan ng bagong data na iyong ibibigay.
    • Humiling na tanggalin ang iyong personal na impormasyon kung wala nang tamang dahilan upang ipagpatuloy ang pagproseso nito. Ikaw rin ay may karapatang humiling sa amin na tanggalin ang iyong personal na data kapag: (i) Matagumpay mong nagamit ang iyong karapatang tumutil sa pagproseso (tumingin sa baba); (ii) Aming prinoseso ang iyong impormasyon na hindi naaayon sa batas; o (iii) Kinakailangan naming tanggalin ang iyong personal na data para tumugon sa mga batas.Maaaring hindi namin laging mapagbibigyan ang iyong deletion request dahil sa mga legal na dahilan na aming ipaaalam sa iyo bilang parte ng aming tugon sa iyong request, tulad ng financial regulations na nagsasabing kailangan naming itago ang iyong personal na data sa loob ng particular na panahon matapos isara ang iyong account.
    • Bawiin ang iyong pahintulot para sa pagproseso ng iyong data, kung saan ang basehan ng nasabing pagproseso, ayon sa sa batas ay nangangalilangan ng iyong pahintulot. Ang pagbawi ng iyong pahintulot ay hindi makakaapekto sa legalidad ng pagproseso na maaaring nangyari bago ang pagbawi ng iyong pahintulot. Kung iyong babawiin ang iyong pahintulot, maaari naming hindi maibigay s aiyo ang mga produkto at serbisyo.
    • Humiling na itigil namin ang direct marketing sa iyo, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin o pagbago ng notification preferences sa setting section ng iyong account.
    • Kapag wholly automated decision making-processes na inilalarawan sa Section 7.2 ang aming ginamit, maaari kang humiling na magbigay kami ng impormasyon tungkol sa paraan ng nasabing decision- making at suriin kung tama ang automated decision na may legal na epekto sa iyo. Maaari naming hindi pagbigyan ang iyong hiling, kung ito ay naaayon sa batas, kasama na ang pagbibigay ng impormasyon na magreresulta sa pagbubunyag ng trade secret o nakakasagabal sa pagpigil o pagtuklas ng panloloko o ibang krimen. Ngunit, sa mga ganitong sitwasyon, aming susuriin na ang algorithm at source data ay gumagawa nang walang kamalian o bias.
    • Tumutol sa pagproseso ayon sa lehitimong interes kung ikaw ay naniniwalang ang nasabing pagproseso ay may epekto sa iyong mga pangunahing karapatan at kalayaan.
    • Humiling sa amin na isuspinde ang pagproseso ng iyong personal na data sa mga sumusunod na sitwasyon: (i) Kung nais mong alamin namin na tama ang data; (ii) Kung ang pagproseso namin ng data ay taliwas sa mga batas ngunit hindi mo nais na ito ay aming tanggalin sa oras na ito; (iii)Kung nais mong aming panatilihin ang data kahit hindi na kinakailangan para sa iyong pagtatag, paggamit o pagdepensa ng iyong legal claims; o (iv) Kung ikaw ay tumutol sa aming paggamit ng iyong data ngunit kinakailangan naming suriin kung mayroon lehitimong basehan sa pagpatuloy ng paggamit nito.
    • Humiling na ilipat namin ang iyong personal na data sa iyo o sa third party. Bibigyan ka namin o ang napili mong third party ng structured, madalas gamitin at machine-readable format ng yong personal na data. Ang karapatang ito ay maaaring gamitin lamang sa mga impormasyong ginagamit namin ayon sa kontrata namin sa iyo o kung saan ikaw ay nagbigay ng pahintulot bago namin ito gamitin.
    • Kung ikaw ay may mga katanungan o agam-agam sa iyong personal na data na maaaring hindi tama, kinuha nang di naaayon sa batas o sa maling paggamit nito, maaaring makipag-ugnayan sa National Privacy Commission.
  • 10.2 Ang paggamit ng iyong mga karapatan ay maaaring malimitahan para protektahan ang pampublikong interes (tulad ng pagpigil o pagtuklas ng krimen) at ang aming interes (tulad ng pagpapanatili ng legal na pribilehiyo). Kung iyong gagamitin ang mga nasabing karapatan, kami ay tutugon sa loob ng isang buwan.
  • 10.3 Hindi mo kinakailangang magbayad para tingnan ang iyong personal na data (o gamiting ang iba mo pang karapatan). Ngunit, maaari ka naming singilin ng makatwirang bayad kung ang iyong hiling ay malinaw na walang basehan, paulit- ulit o sobra-sobra. Maaari rin naming tanggihang sumunod sa iyong kahilingan sa mga nasabing sitwasyon.
  • 10.4 Maari kaming humingi ng particular na impormasyon sayo para tulungan kaming mapatunayan ang iyong pagkakakilanlan at siguraduhin na ikaw ay may karapatan na tingnan ang iyong personal na impormasyon (o gamitin ang iyong iba pang mga karapatan). Ito ay hakbang na pagseguridad para siguraduhing ang personal na data ay hindi maibahagi sa ibang tao na walang karapatang makatanggap nito. Maaari rin kaming makipag-ugnayan s aiyo para sa karagdagang impormasyon tungkol sa iyong kahilingang mapabilis ang aming tugon.

11. Third-party links

  • 11.1 Ang aming mga Serbisyo ay maaaring maglaman ng iba’t ibang links na magtuturo sa website ng aming mga partner networks, advertisers at mga affiliates. Paalala lamang na sila ay may sariling privacy policy at wala kaming pananagutan para sa kanila. Suriin ng mabuti ang kanilang privacy policy bago magbigay ng personal na impormasyon.

12. Pagbabago sa Privacy Policy

  • 12.1 Maaaring baguhin ang Policy na ito nang walang paunang abiso, ngunit ito ay dapat na matagpuan sa website. Para malaman ang mga pagbabago sa Policy, palagiang bisitahin ang website.

13. Contact

  • 13.1 Maaaring magpadala ng mga tanong, komento or kahilingan patungkol sa Policy sa privacy@wise.com o sumulat sa amin sa: WeWork 30th Floor, Yuchengco Tower, RCBC Plaza, 6819 Ayala Ave., Bel-Air, Makati City 1226.
  • 13.2 Kung sakaling hindi sapat ang mga sagot sa iyong mga tanong, o sa tingin niyo ay nilabag namin ang iyong data protection at karapatang pampribado, maaaring magpadala ng reklamo sa aming tagapamahala o sa mga ahente ng gobyerno na nangangasiwa sa pagpapatupad ng privacy laws (National Privacy Commission https://www.privacy.gov.ph).

Bumalik sa itaas